UAAP-PC ACCEL Quantum/3XVI Player of the Week
MANILA, Philippines - Hindi sinayang ni Je-ron Teng ang pagkaka-taon na ipakita na siya ang tunay na King Archer nang pangunahan ang nagdedepensang kampeong La Salle sa 88-86 panalo sa Ateneo noong Linggo sa 77th UAAP men’s basketball.
May 32 puntos si Teng pero hindi lamang sa pagpuntos siya naasahan kungdi nagbigay din siya ng limang assists at anim na rebounds para mabawian nila ang Eagles na nanalo sa kanilang unang pagtutuos, 97-86.
Mainit agad ang pa-nimula ng 6’2” na si Teng nang maghatid ng 21 puntos sa first half para tulungan ang Archers na lumayo ng hanggang 13 puntos.
Kahit bumangon ang Eagles at nakalamang pa sa huling yugto, naroroon pa rin si Teng na nagbigay ng ilang assists at naghatid ng dalawang free throws para mapreserba ang tagumpay upang isulong sa anim ang kanilang pagpapanalo.
“I saw some opening in the first half so I took it. In the second half, they adjusted their defense and I tried to look for open teammates,” pahayag ni Teng.
Maganda rin ang ipinakitang laro nina Mark Belo at Carl Cruz para sa FEU at Charles Mammie ng UE pero ang impact na ibinigay ni Teng ang nagtulak sa UAAP Press Corps para ibigay ang lingguhang Accel Quantum/3XVI Player of the Week na suportado rin ng Bactigel Hand Sanitizer, Mighty Mom Dishwashing at Dr. J Rubbing Alcohol.
Ito ang pangalawang citation ni Teng mula sa mga mamamahayag na kumokober ng liga. (AT)
- Latest