^

PM Sports

PBAPC Awards Night pagbabalik-tanaw sa Grand Slams

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatayong guest of ho-nor at speaker ang tatlong miyembro ng iba’t ibang Grand Slam teams sa pagbibigay ng parangal sa mga nangibabaw na individual at personalities noong nakaraang taon sa 2014 PBA Press Corps Annual Awards Night sa Huwebes sa Richmond Hotel sa Eastwood City, Libis, Quezon City.

Ibabahagi nina cage greats Fortunato ‘Atoy’ Co, Hector Calma at Jojo Lastimosa ang kanilang karanasan sa pagkumpleto ng three-conference sweep sa isang season sa okasyon na may temang ‘There Are Champions…and There Are Grand Slam Champions!’

Ang San Mig Coffee Mixers ang pinakabagong koponang kumuha ng Grand Slam matapos ang 18 taon.

Si Co ang isa sa mga top guns ng Crispa Redmanizers team na nakakuha ng dalawang Grand Slams sa PBA history matapos noong 1976 sa ilalim ni legendary coach Virgilio ‘The Maestro’ Dalupan at noong 1983 sa paggiya ni Tommy Manotoc.

Naging chief point guard naman si Calma ng San Miguel Beer franchise na nagkampeon ng tatlong sunod noong 1989 sa paggiya ni Norman Black, habang si Lastimosa ang inasahan ni coach Tim Cone para sa Grand Slam ng Alaska noong 1996.

Ang tatlo ang makakasama ng mga sportswriters na regular na kumokober ng PBA sa pangunguna ni  PBAPCpresident Barry Pascua na nagkokober ng PBA beat sa pagkilala sa mga personalidad na nangibabaw sa nakaraang 39th season kasama ang mananalo ng Coach of the Year at Exe-cutive of the Year.

Unang idinaos noong 1993, ang PBAPC Awards Night ay suportado ng PBA, Alaska, Barangay Ginebra, San Miguel, Barako Bull, Blackwater Sports, Globalport, Kia Motors, Meralco, NLEX, Rain or Shine, San Mig Super Coffee at Talk ‘N Text.

Hihirangin si Marc Pingris bilang Defensive Player of the Year kasama ang kanyang mga San Mig Coffee teammates na sina Peter June Simon at Mark Barroca, tatanggap ng Quality Minutes at Order of Merit awards, ayon sa pagkakasunod.

Si veteran Asi Taulava ang Comeback Player of the Year, habang si Jayson Castro ang Scoring Champion at ang All-Rookie Team ay binubuo nina Greg Slaughter, Ian Sangalang, Justin Melton, Terrence Romeo at Raymond Almazan.

Pararangalan din sa formal rite ang mga nanalo sa PBAPC Sportswri-ting Contest.

ALL-ROOKIE TEAM

ANG SAN MIG COFFEE MIXERS

ASI TAULAVA

AWARDS NIGHT

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BARRY PASCUA

BLACKWATER SPORTS

GRAND SLAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with