^

PM Sports

Baloria no. 1 scorer

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Lumabas bilang number one scorer si Perpetual Help Altas gunner Juneric Baloria habang ang kanyang kakampi na si Earl Scottie Thompson at Arellano Chiefs guard Jiovani Jalalon ang nakitaan ng impresibong numero sa ilang aspeto ng laro matapos ang first round ng 90th NCAA men’s basketball.

Si Baloria ang natatanging manlalaro sa pinakamatandang collegiate league sa bansa na umiiskor ng mahigit 20 sa 22.22 average matapos ang siyam na laro.

Ang kamador ng host Jose Rizal University Heavy Bombers na si Phi-lip Paniamogan ang pumapangalawa sa 18 puntos habang si San Sebastian Stags scorer Jaymark Perez ang  nasa ikatlong puwesto sa 17.78 puntos.

Si Thompson na gumawa ng triple-double sa season na 15 puntos, 13 rebounds at 12 assists sa 73-65 panalo sa Emilio Aguinaldo College Generals, ay kumakamada ng 17.33 puntos (4th), 11 rebounds (5th),  5.56 assists (2nd) at 2.11 steals (2nd).

Katapat niya sa paghahatid ng magandang numero sa iba’t ibang departamento si Jalalon para makasalo ang Chiefs sa liderato sa San Beda sa 7-2 .

Si Jalalon ang numero uno sa assists (6.00) at steals (3.00) para isama sa kanyang 13.56 puntos na pinakamataas sa kanyang koponan.

Ang ‘imports’ ng Gene-rals at Lions na sina Noube Happi at Olaide Adeogun ang nagdodomina sa rebounding at blocks.

Si Happi ay may 12.56 rebounds kada-laro habang may 2.25 blocks ave-rage si Adeogun.

Ang sentro ng Lyceum Pirates na si Joseph Ga-bayni ang pumangalawa sa rebounding at blocks sa 11.22 boards at 1.78 blocks.

Kasabay nito ay iginawad kay  Paniamogan ang NCAA Press Corps-Accel Quantum Plus/3XVI Player of the Week citation matapos kakitaan ng iba-yong sigla sa second half ng  87-78 panalo sa Mapua Cardinals noong Lunes.

Ginawa ni Paniamogan ang lahat ng 26 puntos sa second half upang tapusin ng Bombers ang first round bitbit ang 6-3 karta para masolo ang ikatlong puwesto.

May 12 puntos sa 30 na ginawa ng JRU sa ikatlong yugto, binuksan pa ni Pa-niamogan ang huling yugto sa pamamagitan ng tatlong sunod na triples para iwanan ang Cardinals.

Ang citation ay suportado rin ng Bactigel hand sanitizer, Doctor J Mighty Alcohol at Mighty Mom Dishwashing.

 

vuukle comment

ARELLANO CHIEFS

DOCTOR J MIGHTY ALCOHOL

EARL SCOTTIE THOMPSON

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

JAYMARK PEREZ

JIOVANI JALALON

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

JOSEPH GA

JUNERIC BALORIA

PANIAMOGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with