^

PM Sports

Turbo Boosters tangka ang semis

Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos ang Lady Troopers, ang Turbo Boosters naman ang pupuntirya ng ikalawang semifinals berth, habang hangad ng kumakamadang Lady Eagles ang playoff.

Makakatapat ng PLDT Home Telpad ang nagdedepensang Cagayan Valley ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang pagsagupa ng Ateneo De Manila University sa talsik nang National University sa alas-4 ng hapon sa quarterfinal round ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Ang Philippine Army ang unang kumuha ng semis ticket matapos iposte ang kanilang ikawalong panalo.

Kailangan lamang ng Turbo Boosters na maipanalo ang isa sa dalawa nilang huling asignatura sa quarterfinals para makaabante sa semifinals at makaiwas na makasagupa ang Lady Eagles sa playoff.

Muling aasa si PLDT coach Roger Gorayeb kina Sue Roces and Laurence Latigay, Charo Soriano, Gretchel Soltones, Angela Benting, Ryzabelle Devanadera at playmaker Rubie de Leon.

Sina Aiza Maizo, Wenneth Eulalio, Pau Soriano, Janine Marciano at Angeli Tabaquero ang muli namang babandera para sa Cagayan.

Samantala, matapos matalo sa Rising Suns sa pagtatapos ng elimination round para sa kanilang 2-5 record, apat na sunod na panalo ang ipinoste ng Lady Eagles, nagreyna sa nakaraang UAAP season, sa quarterfinals ng torneong itinataguyod ng Shakeys katuwang ang Mikasa at Accel.

Bagama’t hawak ng Cagayan ang No. 4 spot sa kanilang 6-4 marka, ang tagumpay ng Ateneo sa NU ang magbibigay sa Lady Eagles ng playoff seat para sa ikaapat at huling semis berth. (RC)

vuukle comment

ANG PHILIPPINE ARMY

ANGELA BENTING

ANGELI TABAQUERO

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

CAGAYAN VALLEY

CHARO SORIANO

GRETCHEL SOLTONES

HOME TELPAD

LADY EAGLES

TURBO BOOSTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with