Hindi kinaya ng Batang Gilas
DUBAI -- Yumukod ang Philippine team sa mas matatangkad at mas malalakas na Angolan squad, 72-82, sa pagbubukas ng FIBA U17 World Championship dito sa Al Ahli Arena.
Sa pagdomina ng Angola sa shaded lanes, naging malamya naman ang panimula ng Batang Gilas na nagpalayo sa 11-time African champions.
Tumapos si star gunner Jolo Mendoza, ang Most Valuable Player sa Southeast Asian region, na may team-high 16 points mula sa miserableng 7-for-26 shooting.
Nagdagdag naman sina Jollo Go at Diego Dario ng 13 at 12 markers, ayon sa pagkakasunod, para sa Batang Gilas na nakatakdang labanan ang Greece kagabi.
“You don’t have to be a rocket scientist to know the story of the game,” sabi ni Batang Gilas head coach Jamike Jarin sa kanilang 64-70 agwat sa Angolans sa rebounding department. “In this game, we got outrebounded. We gave so many rebounds which they converted into points. Angola used its height advantage to the fullest. I’m just glad that we still managed to keep the game close despite our disadvantage.”
Hindi nakaporma ang magkapatid na Matt at Mike Nieto laban sa Angola na nagparada ng tatlong 6-foot-9 rim protectors at isang versatile power forward na si 6’6 Joao Jungo.
Angola 82 -- Jungo 26, Amandio 17, Miranda 12, V. Ma-nuel 10, Do 6, Valente 5, De Sousa 4, Fernando 2, D. Manuel 0.
Philippines 72 -- Mendoza 16, Go 13, Dario 12, Deside-rio 9, Dela Cruz 6, Ma. Nieto 6, Escoto 4, Mi. Nieto 2, Navarro 2, Padilla 2, Abadeza 0, Panlilio 0.
Quarterscores: 15-12; 41-32; 61-52; 82-72.
- Latest