^

PM Sports

James at Love magsasama sa Cavs?

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkasama sina Le-Bron James at Kevin Love sa pagkamit ng Olympic gold medals.

Inaasahang muli silang magtatambal at ngayon ay para wakasan ang 50-year championship drought ng Cleveland Cavaliers.

Inaasahang bibiyahe si Love sa Cleveland mula sa Minnesota matapos magkasundo ang dala-wang koponan sa isang trade na magdadala sa All-Star forward sa Cavaliers kapalit nina Andrew Wiggins, Anthony Bennett at isang first-round draft pick.

Ito ang ibinunyag ng dalawang source na nakakaalam sa sitwasyon.

Wala pang official agreement na mangyayari sa pagitan ng Cavaliers at Timberwolves hanggang Agosto 23 kung saan maaari nang i-trade si Wiggins, ang No. 1 overall draft pick.

Maaari pang palakihin ang deal sa pagdaragdag ng pangatlong koponan.

Nauna nang nakipag-usap ang Timberwolves sa Philadelphia 76ers tungkol sa paghugot kay forward Thaddeus Young para punan ang maiiwang posisyon ni Love.

Maaaring gamitin ng Wolves ang first-round pick na makukuha sa Cavaliers para pakawalan ng Sixers ang 26-anyos na si Young.

Ang deal naman ang muling magbubuo kina Love, James at All-Star point guard Kyrie Irving para sa isang bagong ‘Big 3’ sa Cleveland.

Pagsisipakan ng ‘Big Three’ na maibigay sa Cleveland ang kauna-unahang sports crown nito sapul noong 1964 nang magkampeon ang Browns sa NFL.

Ang usapang paglipat ni Love sa Cleveland ay ilang linggo nang lumulutang bago pa man ihayag ni James na magbabalik siya sa Cavaliers.

ANDREW WIGGINS

ANTHONY BENNETT

BIG THREE

CLEVELAND CAVALIERS

INAASAHANG

KEVIN LOVE

KYRIE IRVING

LE-BRON JAMES

THADDEUS YOUNG

TIMBERWOLVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with