^

PM Sports

Hagdang Bato, Crusis magkakasukatan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagkakataon ang bayang karerista na malaman  kung sino sa pagitan ng Triple Crown champion Hagdang Bato at imported horse champion Crucis ang mas mahusay sa pagkikita ng dalawang premyadong kabayo sa Mayor Ramon D. Bagatsing Cup Racing Festival sa Agosto 17 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Pormal na inilunsad ang karera  kamakalawa sa PSA Forum sa Shakey’s Malate at sina Manila Congressman Amado S. Bagatsing at dating Kongresista na si Atty. Ramon Bagasting Jr. ang nagpahayag ng pananabik sa nasabing karera.

“Ito na ang pagkakataon na makita kung sino ang pinakamagaling na kabayo sa Pilipinas ngayon,” wika ni Cong. Bagatsing.

Ang Hagdang Bato na pag-aari ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos ay Triple Crown champion noong 2012 at back-to-back Horse of the Year awardee habang ang Crucis na nasa pangangalaga ni Marlon Cunanan ang lumabas bilang pinakamahusay na imported horse noong 2013.

Isasama rin sa tampok na karera na paglalabanan sa 1,750-metro distansya at sinahugan ng P1 milyon gantimpala ang double-leg winner ng 2013 Triple Crown Spinning Ridge bukod sa posibilidad ng pagtakbo ng 2013 Presidential Gold Cup champion Pugad Lawin.

Halagang P700,000,00 ang premyong mapapasakamay ng winning connection sa karera.

Ang iba pang pagpapasigla sa pestibal ay ang  pagtakbo ng dalawang dibisyon na Philracom Cup para sa apat na taong gulang pataas na local at imported na mga kabayo at ang dalawang PCSO Cup para sa 3YO fillies at 3YO colts.

Dumalo rin sa forum si Atty. Alfonso Reyno na siyang pangulo ng Manila Jockey Club para tiyakin na handa ang club na isagawa ang makulay na festival na nasa ikaanim na taon na.

Suportado rin ni PCSO chairman Atty. Jose Ferdinand M. Roxas bukod sa Resorts World Manila, ang kikitain ng pakarerang ito ay ibibigay sa KABAKA Foundation na itinayo ng mga Bagatsing.

Ang mga kinita sa naunang mga edisyon ay ipinagawa ng two-storey building na kinakikitaan ngayon ng clinic, pharmacy at diagnostic center at sinisilbihan ang mga miyembro ng KABAKA. (AT)

vuukle comment

ALFONSO REYNO

ANG HAGDANG BATO

BAGATSING

BAGATSING CUP RACING FESTIVAL

HAGDANG BATO

HORSE OF THE YEAR

JOSE FERDINAND M

MANDALUYONG CITY MAYOR BENHUR ABALOS

MANILA CONGRESSMAN AMADO S

TRIPLE CROWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with