^

PM Sports

Mainit ang sagupaan ng San Beda at Perpetual

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magsasagupa ang San Beda at Perpetual Help ngayon sa inaasahang magi-ging mainit na labanan ng dalawang title contenders habang maghaharap naman ang Lyceum at San Sebastian sa pagpapatuloy ng 90th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Bagama’t dinomina ng Red Lions ang Altas sa kanilang mga naunang paghaharap, ang Las Piñas-based squad ay nagpamalas ng solid games sa simula ng season.

Dahil dito, nag-aalala si SBC coach Boyet Fernandez sa kanilang alas-2:00 ng hapong pakikipagharap sa Perpetual.

“It would be another great match. Playing against Perpetual Help is always tough,” sabi ni Fernandez na nais pahigpitin ang kapit ng Red Lions sa liderato sa pagtatapos ng kanilang  first round elimination assignments.

Sa taglay na 6-1 record, ang San Beda ay lamang ng isang laro sa Arellano (5-2) habang ang Perpetual Help ay nasa third place sa 4-2 record kasunod ang Jose Rizal U at St. Benilde  na parehong may 4-3 karta.

Lumalakas ang second stringers ng Perpetual  na malaking tulong kina top guns Juneric Baloria, Harold Arboleda at Earl Thompson.

“It’s not just about the big three of Baloria, Arboleda and Thompson anymore, (Justine) Alano has been playing well and Joel Jolangcob has been giving good energy off the bench, so we have to watch out for them,“ sabi ni Fernandez.

Ngunit maraming dapat gawing adjustments si Perpetual Help coach Aric del Rosario sa depensa para pigilan sina Ola Adeogun, Art dela Cruz at Baser Amer na pambato ng San Beda.

Magsasagupa naman ang Pirates at Stags sa alas-4  ng hapon na parehong nais makabangon.

Natalo ang Lyceum sa huling 2-laro para bumagsak sa 4-4 habang ang San Sebastian ay nasa three-game losing skid.

ARBOLEDA AND THOMPSON

BASER AMER

BOYET FERNANDEZ

EARL THOMPSON

FERNANDEZ

PERPETUAL HELP

RED LIONS

SAN BEDA

SAN SEBASTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with