^

PM Sports

Gilas Pilipinas lilipat na sa Spain

Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos ibuhos ang 11 araw sa Miami, magkakaroon naman ang Gilas Pilipinas ng training camp sa Vitoria, isang three-hour car ride mula sa Madrid, Spain kung saan nakatakdang magdaos ang Philippine national team ng ilang serye ng tune-up games bago ang FIBA World Cup na magsisimula sa Agosto 30.

Ang nagplantsa ng Vitoria schedule para sa Gilas ay si Spanish player agent Igor Crespo na kumakatawan sa higit sa 20 high-profile basketball stars sa European leagues.

Maninirahan ang Gilas sa Jardines de Uleta Suites hotel.

Sinabi ni Gilas team manager Aboy Castro na darating ang grupo sa Madrid ngayon bago dumiretso sa Vitoria.

Isang practice game sa Angola ang posibleng hindi na maitakda dahil hindi pa nakakakuha ang African national team ng visas.

Ayon pa kay Castro, isang tune-up sa Canada ang pinaplantsa para sa Biyernes sa Lugo, Spain. Dalawang beses sa isang araw na practice na may weight training ang naghihintay sa Gilas sa Vitoria.

Lalahok ang Gilas sa pocket tournament sa Antibes, France sa Agosto 15-17 na gagawin sa 5,500-seat na Azur Arena.

Kumpirmadong mag-lalaro ang Australia, Turkey, France at Pilipinas.

Inimbitahan din si Patrick Beesley, ang director ng French national team at general director ng French Basketball Federation kagaya nina SBP president Manny V. Pangilinan, Australia president Kristina Keneally at Turkey president Turgay Demirel.

Sinabi ni Castro na maglalaro rin ang Gilas sa isa pang pocket tournament sa San Sebastian, isang two-hour drive mula sa Vitoria at mga practice games sa Guadalajara.

Bibiyahe ang Gilas sa iba’t ibang Spanish cities.

Plano ng grupo na dumating sa Seville dalawang araw bago ang pagsisimula ng FIBA World Cup.

Maninirahan ang Gilas sa 295-room Barcelo Renacimiento Hotel sa Seville kasama ang mga Group B teams na Croatia, Greece, Argentina, Puerto Rico at Senegal.

Hahatiin ng Barcelo Renacimiento Hotel ang anim na koponan sa dalawang grupo sa hotel.

Dinalaw na nina Reyes at Castro, kasama si logistics head Andrew Teh, ang hotel at ininspeksyon ang mga facilities. Pinili ni Reyes ang room No. 2335 na kapag kinuwenta mo ay lalabas na lucky 13.

Sa Miami, naglaro ng dalawang beses ang Gilas.

Nabasura ang planong pakikipaglaro ng koponan sa University of Miami varsity, dahil sa mahigpit na NCAA rules ukol sa mga offseason games.

Tinalo ng Gilas ng 2-beses ang pro-Am Elev8 squad, 95-74 at 93-84.

Sinabi ni Castro na impresibo ang ipinakita ni naturalized player Andray Blatche sa nasabing dalawang laro. (QH)

 

ABOY CASTRO

AGOSTO

ANDRAY BLATCHE

ANDREW TEH

AZUR ARENA

BARCELO RENACIMIENTO HOTEL

GILAS

SINABI

VITORIA

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with