^

PM Sports

Boss Jaden nakapanggulat

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi hinayaan  ni Jeff Bacaycay na hindi magkaroon ng magandang pagbabalik ang apat na taong colt na Boss Jaden nang makapanggulat ito sa nilahukang karera noong Huwebes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Nangulelat sa kaagahan ng 1,500-metro special handicap race,  napaganda pa ang  mahinang panimula dahil hindi napansin ang pag-atake ng kabayo para magulat na lamang ang mga nasa unahan na paparating na ito.

Ang Princess Haya na hawak ni RM Ubal­do ang siyang nagdala ng liderato sa anim na kabayong karera habang binigyan ito ng magandang laban ng Don Albertini ni Kevin Abobo at ang  napaboran na Silver Sword ni Jonathan Hernandez.

Papasok sa far turn ay balikatan pa rin ang tatlong nabanggit habang ang Boss Jaden ay nag-init na para dumidikit sa mga nasa unahan.

Maganda rin ang pagkakapuwesto ni Bacaycay sa kabayong pag-aari ni Sixto Esquivias IV dahil pagbungad ng rekta ay kinuha na ng Boss Jaden ang liderato sa Princess Haya.

Lalo pang tumulin ang rumemateng kabayo na anak ng premyadong kabayo na Real Spicy at Tereshkova at nanalo pa ng halos tatlong dipang agwat.

Huling tumakbo ang Boss Jaden noon pang buwan ng Hunyo at tumapos ito sa ikatlo at ikaanim na puwesto para hindi mapaboran sa karera.

Ang ‘di inaasahang panalo ay naghatid ng P95.00 dibidendo sa win habang ang nadehado pang Princess Haya para sa 5-2 forecast ay may P1,410.50 na ibinigay.

Isa pang nakapagpasikat na dehadong kabayo ay ang Steel Creation na ibinalik sa pagrerenda ni Jeff Zarate.

Sa class division 4 sa 1,500-metro isinagawa ang labanan at naipakita ni Zarate na gamay niya ang nasabing kabayo nang binigyan niya ng unang panalo matapos ang tatlong takbo sa buwan ng Hulyo.

Ang naunang dalawang takbo ay ginawa sa pagdiskarte ni Mark Alvarez at tumapos lamang ito sa ikaapat at ikalimang puwesto.

Tinalo ng Steel Creation ang Si Señor na kasama ng coupled entry na Maximum Velocity ang siyang patok sa 11 naglaban, kasama ang dalawang coupled entries.

Kumabig ng P50.00 ang win habang ang 3-9 forecast ay may P73.50 dibidendo. (AT)

vuukle comment

ANG PRINCESS HAYA

BOSS JADEN

DON ALBERTINI

JEFF BACAYCAY

JEFF ZARATE

JONATHAN HERNANDEZ

KEVIN ABOBO

MARK ALVAREZ

PRINCESS HAYA

STEEL CREATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with