Julaton magpapasikat sa ONE FC
MANILA, Philippines - Nangako si WBO/IBA female superbantamweight queen Ana (Hurricane) Julaton na siya ang magiging unang Filipina ONE FC mixed martial arts (MMA) champion at sinabi niyang gagawin niya ang lahat upang magkaroon ng titulo at lalabanan niya ang sinuman, anumang oras.
Si Julaton, 34-gulang ay nag-debut sa ONE FC sa Mall of Asia Arena noong May kung saan tinalo niya si Aya Saeid Saber, 3:59 ang natitirang oras sa third round.
Nakatakda niyang labanan si Malaysian Ann (Athena) Osman sa isa pang ONE FC event sa Dubai sa Aug. 29.
Ang ‘poster girl’ na si Osman, 28-gulang ay itinampok na sa TIME Magazine at New York Times dahil sa kanyang pagsikat sa MMA bilang Muslim fighter.
“Ana knows that anyone who signs to fight her wants to take her down,” sabi ng trainer ni Julaton na si Angelo Reyes. “Ana realizes she’s the fighter with the name and recognition as champion. Osman and her team seem to be very confident of beating Ana. Let’s find out when they fight. This is another tough match for Ana and in ONE FC where authentic MMA rules apply, there are no easy fights.”
Kasalukuyang nagsasanay ngayon si Julaton sa Las Vegas kasama si Reyes at si MMA coach Chris Ben Tchavtsavadse.
“I’m dedicating this fight to my boxing promoter Allan Tremblay who’s been battling cancer and is getting the better end of his fight,” aniya. “What he’s been able to accomplish over the years is unbelievable and I’m happy to have him be a part of my life.”
- Latest