^

PM Sports

Cagayan gusto ring sumosyo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagtatangkaan ng nagdedepensang kampeong Cagayan Valley Lady Ri-sing Suns ang sumosyo sa unang puwesto sa pagsukat sa Ateneo Lady Eagles sa pagtatapos ng elimination round sa Shakey’s V-League Season 11 Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ikalawang laro ito na magsisimula matapos ang pagkikita ng UP Lady Maroons at PNP Lady Patrollers sa ganap na ika-2:00 ng hapon.

Rambulan para sa kanilang natatanging panalo sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at may ayuda pa ng Accel at Mikasa ang magpapasarap sa tagisan ng Lady Maroons at Lady Patrollers na wala nang pag-asa bunga ng magka-tulad na 0-6 karta.

Ang PLDT Home Telpad Turbo Boosters at Army Lady Troopers ang mga magkasalo sa lide-rato sa walong koponang liga bitbit ang 6-1 karta.

Tiyak na gagawin ng Lady Rising Suns ang lahat para manalo sa Lady Eagles hindi lamang para hagipin ang ikaapat na sunod na panalo kungdi para tumibay pa ang hangaring umabante sa semifinals.

Dadalhin ng anim na koponan ang kanilang win-loss record sa quarterfinals at muling sasailalim sa single round robin.

Ang apat na mangungunang koponan ang  uusad sa cross-over semifinals.

Gaya ng Cagayan, ma-halaga rin ang makukuhang panalo ng Ateneo na sa ngayon ay may 2-4 karta at galing sa masaklap na five-sets pagkatalo sa Lady Troopers noong Martes.

Isa pang kabiguan ay mangangailangan ang Ateneo na walisin ang limang laro sa quarterfinals para magpatuloy ang kampanya sa liga.

Si Alyssa Valdez na nagpakawala ng 29 puntos sa huling laban ay makikipagtulungan uli kina Amy Ahomiro at Michelle Morente pero mas mahalaga ang sikapin na bawasan ang mga errors para manalo sa bete-ranang Lady Rising Suns.

Nagtala ng 44 errors ang Lady Eagles sa huling laro, tampok ang service error ni Julia Morado na nakatulong para bumangon ang Army mula sa 12-14 iskor sa fifth set. (AT)

vuukle comment

AMY AHOMIRO

ARMY LADY TROOPERS

ATENEO

ATENEO LADY EAGLES

CAGAYAN VALLEY LADY RI

LADY

LADY EAGLES

LADY MAROONS

LADY PATROLLERS

LADY RISING SUNS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with