Perpetual balik sa 3rd place
MANILA, Philippines - Sumandal ang Perpe-tual kina Juneric Baloria, Earl Scottie Thompson at Harold Arboleda upang igupo ang Lyceum, 78-62 para bumalik sa third place sa 90th NCAA basketball tournament na nagpatuloy sa The Arena sa San Juan City kahapon.
Nagtulung-tulong sina Baloria, Thompson at Arboleda sa 45 points ngunit malaking suporta sina Justine Alano, Joel Jolangcob at ang bihirang gamitin na si John Ylanan sa kanilang ambag na 15, 10 at six points, ayon sa pagkakasunod.
“I keep telling the other players to contribute because we can’t win with just three players doing everything,” sabi ni Perpetual Help coach Aric del Rosario.
Ang panalo ay pambawi sa dalawang sunod na talo ng Altas na nag-angat sa kanila sa 4-2 record para angkinin ang solong ikatlong puwesto sa likod ng magkasalo sa lideratong four-peat champion San Beda at Arellano University na may parehong 5-1 panalo-talo.
Tumapos si Baloria ng 23 points, nine rebounds, five assists at isang steal habang si Thompson ay muntik nang maka-triple-double sa kanyang 13 points, 11 boards at seven assists bukod pa sa 2 steals at 2 blocks upang ipalasap sa Lyceum ang ikatlong talo sa pitong laro.
Samantala, may wa-long puntos sa huling yugto si Kevin Racal habang krusyal na split sa free throw line ang ginawa ni John Quinto para tulu-ngan ang Letran Knights sa 63-61 panalo sa Emilio Aguinaldo College Ge-nerals sa ikalawang laro.
Ikalawang panalo ito matapos ang anim na laro para sa Knights na naawat ang pagkulapso sa huling yugto nang mawala ang 19 puntos na kalamangan sa kaagahan ng laro.
Gumawa ng 19 puntos at 11 rebounds si Racal habang may 12 puntos, kasama ang tatlong triples si Mark Cruz upang itulak ang Gene-rals sa ikalimang sunod na talo matapos magwagi sa unang asignatura.
Ang Iskor
Unang laro
Perpetual 78 -- Baloria 23, Alano 15, Thompson 13, Jolangcob 10, Arboleda 9, Ylagan 6, Gallardo 2, Oliveria 0, Dizon 0, Bantayan 0.
LPU 62 -- Baltazar 15, Gabayni 12, Mbida 12, Zamora 9, Bulawan 6, Ko 4, Taladua 2, Elmejrab 2, Soliman 0, Lesmoras 0, Malabanan 0, Maconocido 0.
Quarterscores: 15-11, 38-29, 56-46, 78-62.
Ikalawang laro
Letran 63 -- Racal 19, Cruz 12, Gabawan 8, Tambeling 7, Nambatac 5, Publico 4, Dela Peña 3, Quinto 3, Singontiko 2, Castro 0, Ruaya 0, Luib 0, Apreku 0.
EAC 61 -- Tayongtong 17, Happi 13, Aguilar 9, Onwubere 7, Jamon 5, Arquero 5, Serrano 2, Saludo 2, King 1, Santos 0.
Quarterscores: 20-10, 32-16, 45-40, 63-61.
- Latest