^

PM Sports

PLDT-Air Force Power Attackers hari sa men’s division Lady Troopers kampeon sa PSL

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ginamit ng Generika-Army Lady Troopers ang kanilang karanasan para pataubin ang RC Cola-Air Force Raiders via straight sets, 25-22, 25-19, 25-16, sa championship match ng 2014 PLDT Home-Phi­lippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Confe­rence volleyball tournament women’s division ka­gabi sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Sa first set lamang nag­karoon ng mahigpitang labanan ang dala­wang ko­ponan na nanguna sa ligang inorganisa ng Sports Core at handog ng PLDT Home DSL mula elimination round dahil lumabas ang tibay sa paglalaro ng Lady Troopers.

Ito ang ikatlong sunod na titulo ng Lady Troo­pers sa ligang may suporta ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway, Medical at ang koponan ay humugot sa galing ng dating na­tio­nal player na si Mary Jean Bal­se.

Ang dating manlalaro ng UST na si Balse ay tumapos taglay ang 16 points, habang ang bete­ra­nang setter na si Tina Sa­lak ang siyang namahala sa opensa sa kanyang  24 excellent sets.

Ang PLDT-Air Force Home TVolution Lady Po­wer Attackers ang pu­mangatlo nang angki­nin ang 25-17, 18-25, 25-18, 25-23 panalo sa ex­­pansion team AirAsia Flying Spikers.

Kinumpleto ng Power Attackers ang makinang na paglalaro sa men’s division nang ibulsa ang 25-21, 25-21, 25-21 panalo sa Cignal HD Spikers.

vuukle comment

AIR FORCE HOME

ALL-FILIPINO CONFE

COLA-AIR FORCE RAIDERS

CUNETA ASTRODOME

FLYING SPIKERS

GENERIKA-ARMY LADY TROOPERS

JINLING SPORTS EQUIPMENT

LADY PO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with