Tigers tinakasan naman ang Falcons Eagles bigo sa Bulldogs
MANILA, Philippines - Bumangon ang National University sa una nilang kabiguan para pigilin ang tatlong sunod na ratsada ng Ateneo De Manila University.
Ipinoste ng Bulldogs ang 64-60 panalo kontra sa Blue Eagles sa elimination round ng 77th UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Umiskor si Troy Rosario ng 16 points, habang nagdagdag ng 10 si Adven Diputado para sa NU.
Ayon kay head coach Eric Altamirano, may sarili nang ‘identity’ ang Bulldogs matapos ang pagkawala ni two-time UAAP MVP Bobby Ray Parks, Jr.
“Tulad ng sabi ko, ‘yung identity ng team is relying on not only one person but really a collective effort. At ipinakita nila ngayon, especially the bench players,” ani Altamirano.
Ang free throws ni Alfred Aroga ang nagbigay sa NU ng 62-56 kalamangan kontra sa Ateneo sa nalalabing 28.5 segundo sa fourth quarter.
Kumamada si rookie Arvin Tolentino ng 17 markers sa panig ng Blue Eagles kasunod ang 13 ni Kiefer Ravena.
Sa unang laro, tumipa si Kent Lao ng isang free throw sa huling 1.1 segundo para tulungan ang University of Sto. Tomas sa 50-49 panalo laban sa Adamson University.
Bumawi ang Tigers mula sa isang nine-point deficit, 33-42, sa third period para balikan ang Falcons.
Tumipa si Louie Vigil ng 11 points para sa UST kasunod ang 10 ni Kevin Ferrer at tumapos si Lao na may 4 markers.
Samantala, itataya ng Red Warriors ang kanilang malinis na baraha sa pagsagupa sa Green Archers ngayong alas-4 ng hapon sa MOA Arena.
Hangad naman ng La Salle ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos ang 0-2 panimula sa torneo.
Nanggaling ang La Salle sa 57-55 panalo kontra sa NU noong Miyerkules.
UST 50 – Vigil 11, Ferrer 10, Abdul 8, Mariano 7, Sheriff 4, Lao 4, Subido 2, Lo 2, Gayosa 2, Dela Cruz 0, Pe 0, Sablan 0, Macasaet 0.
Adamson 49 – Pedrosa 10, Nalos 9, Iñigo 7, Rios 6, Villanueva 5, Ochea 4, Aquino 3, Monteclaro 3, Baytan 2, Butron 0.
Quarterscores: 13-17; 27-32; 40-45; 50-49.
NU 64 – Rosario 16, Diputado 10, Aroga 9, Khobuntin 8, Alolino 6, Javelona 5, Betayene 4, Atangan 2, Celda 2, Alejandro 1, Neypes 0.
Ateneo 60 – A. Tolentino 17, K. Ravena 13, Gotladera 7, Pessumal 7, Elorde 6, Newsome 6, Porter 2, Lim 2, Capacio 0, Babilonia 0.
Quarterscores: 15-15; 33-31; 49-43; 64-60.
- Latest