Petron vs Cagayan maglalaban para sa ika-5 puwesto sa PSL
MANILA, Philippines - Matapos kapusin sa hangaring titulo, paglalabanan na lamang ng Petron Lady Blaze Spikers at Cagayan Valley Lady Rising Suns ang ikalimang puwesto sa pangalawa sa huling araw ng 2014 PLDT Home-Philippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Conference volleyball tournament ngayon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Namaalam sa titulo sa ligang inorganisa ng Sports Core at handog ng PLDT Home DSL bukod sa suporta pa ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Medical ang Petron nang matalo sa PLDT Home TVolution, 25-16, 21-25, 18-25, 22-25, habang sinayang ng Cagayan Valley ang 2-0 kalamangan nang isuko ang 25-16, 25-16, 16-25, 17-25, 13-15, sa expansion team AirAsia Flying Spikers.
Dalawang laro sa kalalakihan ang tatapos sa double round elimination.
Ang Cignal at IEM ang magtutuos sa ganap na ika-4 ng hapon bago sundan ng PLDT at Systema dakong alas-6 ng gabi.
Puntirya ng PLDT ang 8-0 sweep sa dibisyon para sa mahalagang momentum papasok sa one-game final laban sa Cignal na balak pag-ibayuhin ang pumapangalawang 5-2 karta.
Sa Sabado gagawin ang championship at tampok na laro dakong alas-5:30 ng hapon ay sa pagitan ng Generika-Army at RC Cola-Air Force sa women’s division. (AT)
- Latest