^

PM Sports

Tuloy ang ligaya kahit ‘na-Glenda’

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tumabo pa rin ang karera noong Huwebes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite kahit nagkaroon ng problema ang mga Off-Track Betting Stations  bunga ng pagdaan ng bagyong Glenda noong Miyerkules.

Napilitan ang Philippine Racing Commission (Philracom) na kanselahin ang karera noong Miyerkules sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas dahil sa masungit na panahon pero nanumbalik ang aksyon kamakalawa sa racing club na pag-aari ng Philippine Racing Club Inc.  (PRCI).

Wala na ang mala­lakas na hangin pero apektado pa rin ang mga OTBs ng kawalan ng kuryente at problema sa cable connections at telepono dahilan para 158 lamang mula sa 254 OTBs sa bansa ang nagbukas.

Nagkaganito man ay pumalo pa sa P12.9 mil­yon ang sales sa walong karerang nakaprograma.

Ang ikinaganda rin ng nasabing karera ay nagsimula ito nang naayon sa post time ng bawat karera.

Kahit nag-ulat ang PRCI sa estado ng mga OTBs, nagpalabas pa rin ng kautusan ang pamunuan ng Philracom sa pangunguna ni chairman Angel Castano Jr. at commissioner/executive director Jess Cantos na tiyakin na magsisimula ang bawat karera sa takdang oras.

“Don’t compromise post time or delay races to catch up with sales to make up on OTB ope­ration problems. Sometimes ideal sales has to give way for the service of betting public’s interest,” pahayag ni Cantos.

Patuloy ang pag-akyat ng sales ng horse racing sa taong 2014 at naniniwala ng mga namamalakad na mahihigitan sa taong ito ang kinita noong 2013 na P7.78 bilyon.

Kasama sa mga ka­bayong nagpasiklab kamakalawa ay ang Lady Like ni Esteban de Vera sa 3YO Maiden-B at C sa distansyang 1,100-metro distansya.

Ikalawang sunod na pagdiskarte ito ni De Vera sa nasabing kabayo at nahigitan ng tambalan ang pang-walong puwestong pagtatapos nang unang nagsama noong Hulyo 12.

Talunan ng Lady Like ang mas dehadong King Haus ni R. Tablizo para maghatid ng P1,604.50 sa forecast.

Patuloy din ang pagpapasikat ng dalawang taong kabayo na Hook Shot sa pagrerenda ni Jeff Zarate nang nagwagi sa 2YO Maiden race sa 1,100-metro distansya.

Ikalawang panalo ito ng tambalan sa tatlong takbo at naisantabi ang hamon ng Polka Dot Bikini. Sa Agosto ay lalarga na ang stakes races para sa juvenile horses at

hindi malayo na ma­ging palaban ang Hook Shot. (AT)

vuukle comment

ANGEL CASTANO JR.

DE VERA

HOOK SHOT

IKALAWANG

JEFF ZARATE

JESS CANTOS

KING HAUS

LADY LIKE

METRO TURF CLUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with