^

PM Sports

Tempra Run Against Dengue iniurong sa Aug. 3

Pang-masa

MANILA, Philippines - Para mabigyan ng pagkakataong makahabol ang mga estudyante, iniurong mula Hulyo 20 sa Agosto 3  ang 2014 Tempra Run Against Dengue na gaganapin  sa Cultural Center of the Philippines grounds.

Suspendido ang mga klase ng 4-araw sa mara-ming unibersidad at kolehiyo sa Metro Manila bunga ng bagyong Glenda kaya ang mga partner schools tulad ng Perpetual Help, Unibersidad de Manila at Pamantasan ng Pasay at marami pang iba, ay hindi nakapagrehistro.

“Mahalaga ang partisipasyon ng mga estudenyante sa aming advocacy run, kaya binibigyan namin sila ng ganitong pagkakataon,” ani Matt Ardina, events director ng nag oorganisang Subterranean Ideas. “Bukod dito, inaasahan din naming maulan ang darating na mga araw. Ang kapakanan ng mga mananakbo ay aming pinapahalagahan.”

Bahagi ng kikitain sa Tempra run na suportado ng Philippine Charity Sweepstakes Office, Philippine Sports Commission, Maynilad, Mortein Naturgard, Medicard, Business Mirror, Health and Fitness Magazine, Toby’s, Vitwater, Banana Boat at Guard Insect Repellent ay gagamitin pambili ng anti-dengue modalities na ipamimigay sa mga piling barangays.

Tuloy ang rehistrasyon sa Toby’s Arena sa Glo-rietta 2, Makati at Toby’s SM Manila.

Maaari ring tawagan ang (landline) 504-5990 o i-text ang (Sun) 0923-3323737, (Globe) 0916-2246221 at (Smart) 0918-2392009 para sa karagdagang detalye.

 

BANANA BOAT

BUSINESS MIRROR

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

GUARD INSECT REPELLENT

HEALTH AND FITNESS MAGAZINE

MATT ARDINA

METRO MANILA

MORTEIN NATURGARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with