^

PM Sports

Arellano, Lyceum umangat sa puwesto

Pang-masa

MANILA, Philippines - Aapat na free throws ang ginawa ng Arellano Chiefs sa huling isang minuto ng laro para matakasan ang Mapua Cardinal, 68-63 sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sina Ralph Salcedo at Dioncee Holts ang siyang nagtala ng mahala-gang buslo sa 15-foot line upang maisantabi ang huling pananakot ng Cardinals, 63-64 at ibigay sa tropa ni coach Jerry Codinera ang ikatlong panalo sa apat na laro.

Tumapos sina Salcedo at Holts bitbit ang tig-10 puntos habang si Keith Agovida ay may 12 at si John Pinto ay naghatid pa ng 10 para sa balanseng pag-atake ng Chiefs.

Si Andrew Estrella ay may 20 puntos para sa Cardinals na bumaba pa sa huling puwesto sa ikalimang sunod na pagkatalo.

Naipasok ni Guy Mbida ang 3-point shot sa tuktok ng free throw line para maisantabi ang pagkawala ng 13 puntos kalamangan sa ikaapat na yugto at maipanalo ng Lyceum Pirates ang laro kontra sa host Jose Rizal University Heavy Bombers, 84-80, sa ikalawang laro.

Ang inakalang ma-ling diskarte ni Mbida dahil lamang lang ng isang puntos ang Bombers ay nagbunga bago nasundan ito ng passing error ni Philip Paniamogan sa kabilang dulo.

May 16 puntos si Mbida habang sina Dexter Zamora, Allyn Malabanan, Joseph Gabayani at Jeremiah Taladua ay may 13, 13, 10 at 10 puntos upang ibigay sa Pirates ang ikatlong panalo matapos ang limang laro.

Nasayang ang 24 at 20 puntos nina Paniamogan at Michael Mabulac nang hindi nakumpleto ng Bombers ang rally para maputol ang two-game winning streak at bumaba sa 2-3 karta. (AT)

ANG ISKORS:

Unang laro

Arellano 68 -- Agovida 12, Salcedo 10, Pinto 10, Holts 10, Hernandez 8, Gumaru 7, Jalalon 6, Caperal 4, Ciriacruz 1, Nicholls 0, Bangga 0, Palma 0, Ortega 0, Cadavis 0.

Mapua 63 -- Estrella 20, Gabo 10, Saitanan 9, Isit 8, Magsigay 6, Cantos 6, Layug 3, Canaynay 1, Tubiano 0

Quarterscores: 18-20, 32-30, 48-48, 68-63

Ikalawang laro

LPU 84 -- Mbida 16, Zamora 13, Malabanan 13, Gabayni 10, Taladua 10, Bulawan 9, Maconocido 8, Lesmoras 3, Baltazar 2, Elmejrab 0.

JRU 80 -- Paniamogan 24, Mabulac 20, Abdulwahab 10, Teodoro 9, Grospe 8, Asuncion 6, Lasquety 3, Sanchez 0, Salaveria 0, Manuel 0, Benavides 0.

Quarters: 20-21, 41-43, 65-56, 75-75, 84-80.

vuukle comment

ALLYN MALABANAN

ARELLANO CHIEFS

DEXTER ZAMORA

DIONCEE HOLTS

GUY MBIDA

JEREMIAH TALADUA

JERRY CODINERA

JOHN PINTO

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

MBIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with