^

PM Sports

Ika-3 sunod tangka ng Heavy Bombers

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hawakan ang winning record sa unang pagkakataon sa 90th NCAA men’s basketball ang nais makamtan ng host Jose Rizal University Heavy Bombers sa pagharap sa Lyceum Pirates ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Galing sa 69-60 panalo ang Heavy Bombers sa Letran Knights sa hu-ling laro para sa ikala-wang dikit na tagumpay at makabangon mula sa 0-2 panimula.

Mapapanood ang laro dakong alas-4 ng hapon at ang Pirates ay magbabaka-sakali rin na matuhog ang ikatlong panalo matapos ang limang laro.

Nakikita ni Heavy Bombers coach Vergel Meneses na magpapatuloy ang winning run ng kanyang koponan dahil natuto nang sumunod sa game plan ang kanyang mga bataan.

“The players started to realize that we can’t win games if we will follow our game plan,” wika ni Meneses.

Handa naman ang Pirates na harapin ang hamon ng JRU matapos mapalaban sa Mapua Cardinals na kanilang tinalo sa pamamagitan lamang ng dalawang puntos, 80-78 sa huling laro.

Ang  magandang ipinakita kahit natalo ang koponan ang siyang pag-huhugutan ng lakas ni Mapua coach Fortunato Co para makaisa na sa pagsukat sa Arellano Chiefs sa unang laro sa ganap na ika-2 ng hapon.

 

vuukle comment

ARELLANO CHIEFS

FORTUNATO CO

HANDA

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

LETRAN KNIGHTS

LYCEUM PIRATES

MAPUA CARDINALS

SAN JUAN CITY

VERGEL MENESES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with