Sino ang huhugutin ng Kia ni Pacquiao?
MANILA, Philippines - Posible pang mabigyan muli ng pagkakataon si two-time PBA Most Valuable Player Danny Ildefonso na mapatuna-yan ang sarili sa liga.
Ito ay kung ang 6-foot-6 na si Ildefonso ang mapipili ng alinman sa mga expansion teams na Kia Motors at Blackwater Sports bilang top pick sa dispersal draft ngayong hapon sa PBA Office sa Libis.
Inaasahang darating si Manny Pacquiao, ang coach ng expansion team na Kia Motors upang gampanan ang kanyang unang tungkulin bilang coach sa paghugot ng player mula sa dispersal draft.
Nag-abiso ang Sarangani Congressman na darating siya ngunit may balitang posibleng hindi ito sumipot dahil may sakit ang kanyang asawang si Jinkee.
Kung hindi darating si Pacquiao sa dispersal draft ay si assistant coach Glenn Capacio ang kakatawan sa Team Kia.
Si PBA Commissioner Chito Salud ang mangangasiwa sa two-team lottery kasunod ang dispersal draft na magdedetermina kung sino sa mga expansion teams na Kia at Blackwater Sports ang unang pipili.
Bukod kay Ildefonso, puntirya din ng Kia si 6’6 Larry Rodriguez na isinalang ng Rain or Shine sa unprotected list.
Ang iba pang nasa unprotected list ay sina Alex Nuyles, Chris Timberlake, Wynne Arboleda, John Ferriols, Hans Thiele, Bonbon Custodio, Ren Ren Ritualo, Eddie Laure, Ronnie Matias, Rob Labagala, Jason Deutchman, Mark Yee at Val Acuña.
Sa susunod na season ay lilimitahan ng PBA ang bawat koponan sa 12 players sa kanilang active lineup bukod pa ang da-lawa sa reserve at tatlong practice players.
Pagpipilian din ang mga 2013 unsigned rookie free agents sina J.P. Erram, Mark Lopez, Mike Silungan, John Usita, Jett Vidal at Joshua Webb.
Maaari ring kumuha ang Kia at Blackwater sa mga veteran free agents na sina Ken Bono, Reil Cervantes, Alex Crisano, Marvin Cruz, Pong Escobal, Bambam Gamalinda, Borgie Hermida, Chris Pacana, Josh Vanlandingham at L. A. Revilla.
May limang araw ang Kia at ang Blackwater para papirmahin ng kontrata ang mga players na kanilang mahuhugot sa dispersal draft.
- Latest