^

PM Sports

Buwenamanong panalo mula kina Saludar, Suarez

Pang-masa

ALMATY, Kazakhstan -- Binuksan ng dalawang veteran boxers ang kampanya ng PLDT-ABAP team sa 4th Kazakhstan President’s Cup sa pamamagitan ng panalo.

Umiskor ang 26-anyos na si Rey Saludar ng unanimous decision win laban kay Kurmetov ng host nation mula sa mga iskor na 30-27, 30-27 at 29-28 para sa Polomolok, South Cotabato Army man.

Dinomina naman ni Charly Suarez, nasa kanyang unang international tournament matapos lumaban para sa Milano Thunder sa World Series of Boxing noong 2013, si Ammar ng Iraq sa mga iskor na 30-27, 30-27 at 29-28.

Nagkaroon ng injury ang 26-anyos na si Suarez ng Sawata, Davao del Norte matapos magbalik sa bansa mula sa Italy noong Marso at hindi nakalaban sa loob ng halos isa at kalahating taon.

Susunod na makakatapat ni Suarez ay si Jumsakbaev ng Kazakhstan, habang makakasagupa ni Saludar si Jorge ng Cuba.

Ang paglahok ng bansa sa nasabing torneo ay bahagi ng final selection process ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) para sa Asian Games sa Setyembre.

Isa pang grupo ang magtutungo sa Guiyang, China sa Linggo para sumabak sa China Open.

Ang iba pang lumalaban sa Almaty ay sina Rogen Ladon at Dennis Galvan.

ASIAN GAMES

ASSOCIATION OF BOXING ALLIANCES

CHARLY SUAREZ

CHINA OPEN

DENNIS GALVAN

KAZAKHSTAN PRESIDENT

MILANO THUNDER

REY SALUDAR

ROGEN LADON

SOUTH COTABATO ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with