Gumabao gumawa ng ingay
CEBU , Philippines -- Gumawa ng ingay sa kanyang pagbabalik si Michelle Gumabao matapos akayin ang AirAsia sa 25-23, 19-25, 25-19, 25-23 panalo laban sa powerhouse na Petron sa 2014 PLDT Home-Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference volleyball tournament noong Sabado dito sa University of San Carlos gym.
Matapos ang halos dalawang buwan na pagkawala sa aksyon ay muling ipinakita ni Gumabao ang kanyang pamatay na porma para ilapit ang Flying Spikers sa isa sa dalawang outright semifinal berths sa women’s division ng torneong suportado ng official airline na AirAsia katuwang ang Gilligan’s Restaurant, Healthway Medical, PLDT Home DSL, Cignal, Solar Sports, Mikasa, Asics, Mueller, LGR, Petron, Bench at Generika.
Sangkot ngayon ang AirAsia sa isang three-way logjam kasama ang Generika Army at RC Cola-Air Force sa itaas ng team standings sa magkakatulad nilang 4-2 win-loss card.
Nahulog naman ang Blaze Spikers sa second spot sa kanilang 3-2 marka. Kailangang ipanalo ng Petron ang kanilang laro sa Cignal HD sa Miyerkules para buhayin ang tsansa sa semifinals.
Tumapos si Gumabao na may 3 points, ngunit gumawa naman ng mga bagay na nakatulong sa kanyang koponang manalo.
- Latest





















