^

PM Sports

May pag-asa pang mabuo ang ‘Big 3’ ng Miami

Pang-masa

MANILA, Philippines - Habang hindi pa nagko-commit si LeBron James at sinisikap ng Mia-mi Heat na mapapirma si Chris Bosh, may pag-asa pang mabuo ang Big Three at si James ang susi para hindi magkawatak-watak ang koponan.

“Bosh is back in a se-cond if LeBron commits,” ayon sa isang source.

Panay ang biyahe nina Miami president Pat Riley at coach Erik Spoelstra para makipagkita sa mga free agents  ngunit hindi sila makapag-alok ng malaking halaga sa mga top available players, ayon sa sources.

Kahit pumayag sina Bosh at Wade na tumangggap ng mababang suweldo, hindi pa rin makakapag-alok ng mataas na halaga ang Miami para sa mga free agents na tulad nina Tre-vor Ariza at Luol Deng.

Nakipagkita sina Riley at Spoelstra kay Deng nitong Sabado ng hapon sa Chicago, ayon sa sources.

Tinanggihan ni Deng ang $10 million-a-year extension na alok ng Chicago bago ito na-trade sa Cleveland noong Janua-ry at sinabi niyang ayaw niyang tumanggap ng suweldong mas mababa pa rito.

Sinasabi lagi ng Mia-mi na mapapanatili nila sa team sina James, Bosh and Wade ngunit kumikilos pa rin ang ibang team para maakit sina James at Bosh.

Sa ngayon, sinisikap ni Bosh na magkaroon pa rin ng deal sa Miami, sabi ng source sa Yahoo Sports at nakikipagtulu-ngan din siya sa Heat management para mapa-lakas ang team.

Dahil nagpipirmahan na ang ibang free agent players sa mga teams, mahihirapan na si Riley na mapalakas ang team.

Ang isa pang mainit na free agent player na si Carmelo Anthony ay nakikipagkita na sa ibang teams para malaman ang kanilang offer bago siya magdesisyon kung saan pupunta.

ARIZA

BIG THREE

BOSH AND WADE

CARMELO ANTHONY

CHRIS BOSH

DENG

ERIK SPOELSTRA

LUOL DENG

PAT RILEY

YAHOO SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with