^

PM Sports

4 teams puntirya ang ikalawang sunod na panalo

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magpapatatag sa ita­as ang apat sa anim na ko­ponan na nanalo sa ka­nilang unang laro sa pag­papatuloy ngayon ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Ang mga military teams na Philippine Air Force Air Spikers at Phi­lip­pine Army Lady Troo­pers ang magpapasikatan sa unang laro sa alas-2 ng hapon bago palitan ng mga koponan ng Ateneo Lady Eagles at PLDT Home Telpad Power Attackers sa alas-4 ng ha­pon.

Ang apat na koponang ito ay kasalo pa ng nagdedepensang kampeon na Cagayan Valley Lady Rising Suns at National University Lady Bulldogs na nasa unang puwesto bitbit ang 1-0 karta sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s bukod sa ayuda ng Accel at Mikasa.

Single round robin ang format ng elimination round at ang mangungunang anim na koponan ang aabante, habang ma­mamaalam ang dalawang mahuhuling koponan.

Dahil dito ay asahan nang hahataw muli ang mga kamador ng apat na ko­ponang ito para pagti­bayin ang paghahabol sa puwesto sa susunod na round.

Tiyak na net game ang matutunghayan sa hanay ng Air Spikers at Lady Troopers dahil pareho silang may mahuhusay na manlalaro.

Sina Maika Ortiz, Joy Cases at Judy Ann Ca­bal­­lejo ang mga aasahan ng PAF, habang sina Jovelyn Gonzaga, Rachel Ann Daquis at MJ Balse ang magtutulong para sa Ar­my.

Magandang pagmasdan din ang tapatan ng ma­huhusay na setters na si­na Tina Salak para sa La­dy Troopers at si Rhea Di­maculangan para sa Air Spikers.

Ang husay nina Alyssa Valdez, Amy Ahomiro, Dennise Lazaro at Julia Morado ang mga sasan­da­lan ng Ateneo para ita­pat sa mga subok ng sina Gretchel Soltones, Charo Soriano at Suzanne Roces.

 

vuukle comment

AIR SPIKERS

ALYSSA VALDEZ

AMY AHOMIRO

ARMY LADY TROO

ATENEO LADY EAGLES

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

CHARO SORIANO

DENNISE LAZARO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with