Neymar ‘di na makakalaro sa World Cup; Brazil kontra sa Germany sa semifinals
FORTALEZA Brazil - Ang matulis na free kick ni David Luiz ang sumelyo sa 2-1 tagumpay ng Brazil kontra sa Colombia patungo sa semifinal round ng World Cup.
Malaki ang naging kabayaran ng panalo ng Brazil matapos magkaroon ng fractured vertebra ang kanilang leading scorer na si Neymar sa dulo ng laro.
Bumagsak si Neymar matapos mabangga sa likod ng tuhod ni Juan Zuniga ng Colombia sa 88th minute.
“It’s a normal action, I tried to shadow him,” depensa ni Zuniga. “I was not thinking of hurting him. I was defending my country’s colors.”
Hindi naman seryoso ang nasabing back injury ni Neymar.
“It’s not serious in the sense that it doesn’t need surgery, but he’ll need to immobilize it to recover,” sabi ni Brazilian team doctor Rodrigo Lasmar.
“Unfortunately, he’s not going to be able to play (against Germany),” dagdag pa nito.
Lalabanan ng Brazil ang Germany nang wala si Neymar.
Tinalo ng Germany ang France, 1-0, sa kanilang quarterfinal match.
Bukod kay Neymar, lalabanan din ng Brazil ang Germany nang wala si team captain Thiago Silva.
Nakapasok ang Brazil sa Last Four ng World Cup sa unang pagkakataon matapos noong 2002 at ika-11 sa kabuuan hangad ang pang-anim na world title.
Tinalo ng Brazil ang German, 2-0, sa finals noong 2002.
Ang kabiguan naman ng Colombia ang tumapos sa kanilang determinadong kampanya sa World Cup.
Natapos rin ang pagpapakita ni midfield sensation James Rodriguez sa pamamagitan ng anim na goals.
Nabigo ang Colombia na talunin ang Brazil sa kanilang 13 paghaharap sapul noong 1991.
- Latest