^

PM Sports

Imported/Local Challenge, kanselado

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinansela ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang dapat sana ay 4th leg ng Imported/Local Challenge race sa Santa Ana Park sa Hulyo 13.

Ang pagkakaroon lamang ng tatlong kabayo na ninomina noong Lunes ang nagresulta para hindi na ituloy ang stakes race na dapat ay gagawin sa 1,900-metro distansya at sinahugan ng P500,000.00 kabuuang premyo.

“Kailangan ay apat na kabayo ang kasali sa isang karera para ito ay ituloy base sa Board resulutions 07-12 at 47-12 noong 2012,” wika ni Philracom executive director at commissioner Jess Cantos.

Sa halip ay papalitan ito ng Option race at sinahugan din ng nasabing premyo at ang mananalo ay mag-uuwi ng P300,000.00 premyo.

Mga edad tatlong taon gulang na local at imported horses ang puwedeng sumali. Bukas din ito sa mga kaba­yong nanalo na sa mga Philracom stakes races upang makakatiyak na mga palabang kabayo ang magsisisali.

Ang mga imported horses ay bibigyan ng dagdag na 1kg dagdag timbang kung may lalahok na local horses.

May dagdag din na 1kg ang mga kabayo na nanalo sa mga nagdaang karera ng Komisyon.

Ang Imported/Local Challenge race sana ang magbubukas sa pakarera ng Philracom sa buwan ng Hulyo.

Bunga ng pangyayari, ang ikatlo at huling yugto ng Triple Crown ang siyang magiging tampok na karera ng ahensya sa buwang ito.

Sa 2,000-metro pag­lalabanan ang karera at ang Triple Crown ay gagawin sa  San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Gagawin ang prem­yadong karera sa Hulyo 27 at ang Kid Molave ang siyang magtatangka na maging isang Triple Crown champion.

Malalaman ang mga kabayong magsusukatan sa karerang sinahugan ng P3 milyon kabuuang gantimpala sa Hulyo 15 na siyang petsa para sa nomination ng mga kabayo. Ang final declaration ay itinakda sa Hulyo 21 habang ang bolahan ay sa Hulyo 25.

Sa Hulyo 26 ay gagawin muna ang Hopeful Stakes race at sinahugan ito ng P1 milyon premyo. (AT)

 

vuukle comment

ANG IMPORTED

HOPEFUL STAKES

HULYO

JESS CANTOS

KID MOLAVE

LOCAL CHALLENGE

PHILRACOM

TRIPLE CROWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with