^

PM Sports

Isinunod ni Anthony ang Rockets

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang araw matapos bisitahin ang Chicago Bulls, pinuntahan naman ng New York Knicks star na si Carmelo Anthony ang Houston.

May video board sa labas ng Toyota Center na may imahe ni Anthony na nakasuot ng  white uniform ng Houston na may red lettering at may isa pang imahe niya na naka-retro red at yellow uniform. Sa pagitan ng mga pictures ay ang logo ni Anthony na may nakalagay na ‘Melo.’

Nakalagay ang No. 7 sa mga imahe, ang nume-rong gamit ni  Jeremy Lin. Posibleng dispatsahin ng Rockets ang point guard para kay Anthony.

Nagpasaring si Lin sa Twitter sa pagpo-post ng Bible verse na  Luke 6:29: “If someone slaps you on one cheek, turn to them the other also. If someone takes your coat, do not withhold your shirt from them.’’

At sinundan niya ito ng: “Im entitled to standup for myself/say i felt disrespected as i did thru tweet but point is love unconditionally/as Jesus loved me.”

Ang Houston ang nakahuli ng pinakamalaking isda sa free agency noong nakaraang season nang makuha nila si Dwight Howard mula sa Lakers para sa kanilang layuning makarating sa playoffs.

Nagawa nila ito ngunit nasibak sila sa first round sa nakaraang season kaya gusto nilang palakasin lalo ang team.

Gumawa na ng hakbang ang Houston sa pagte-trade kay center Omer Asik sa New Orleans Pelicans.

Nakatakdang kumita ng mahigit $8 million si Lin sa susunod na season na huling taon ng kanyang three-year contract. Mataas na presyo ito para sa backup na naging bench player na lamang noong nakaraang season dahil sa solid na larong ipinakita ni Patrick Beverley.

Magiging malaking karagdagan ang 30-gulang na si  Anthony sa team na mayroon nang Howard at James Harden.

Inaasahang makiki-pagkita si Anthony sa Mavericks kasunod ang Lakers bago sa Knicks.

ANG HOUSTON

CARMELO ANTHONY

CHICAGO BULLS

DWIGHT HOWARD

JAMES HARDEN

JEREMY LIN

NEW ORLEANS PELICANS

NEW YORK KNICKS

OMER ASIK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with