^

PM Sports

Matunog si Fajardo para sa PBA MVP title

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa kanyang pangalawang taon ay ipinakita ni June Mar Fajardo ng San Miguel Beer kung ano ang kaya niyang gawin sa loob ng basketball court.

Pinangunahan ng 6-foot-10 na si Fajardo ang karera para sa 2014 Most Valuable Player sa kanyang hinakot na 37.6 statistical points mula sa kanyang mga career-highs na 16.7 points, 14.1 rebounds at 2.0 blocks sa 39th season ng Philippine Basketball Association (PBA).

Nakatakdang pangalanan ngayong gabi ang tatanggap ng 2014 PBA MVP trophy bago ang Game Two ng 2014 PBA Governors’ Cup Finals.

Pinamumunuan din ni Fajardo ang labanan para sa Best Player of the Conference ng 2014 PBA Governors’ Cup sa kabila ng pagkakasibak ng Beermen sa quarterfinal round.

Nauna nang hinirang ang Cebuano giant na BPC matapos igiya ang San Miguel Beer sa semifinals ng 2014 PBA Philippine Cup.

Kung makakamit ni Fajardo ang MVP award, siya ang magiging unang player matapos si Barangay Ginebra star Mark Caguioa noong 2011 na nakakuha ng pinakamataas na individual award kahit hindi nakapaglaro sa PBA Finals sa season.

Kasunod ni Fajardo sa karera para sa PBA MVP trophy sina Asi Taulava (32.0 SPs) ng Air21 (ngayon ay NLEX), Commissioner’s Cup BPC Jayson Castro (31.4 SPs) ng Talk ‘N Text, Ginebra rookie slotman Greg Slaughter (30.8 SPs) at 2013 PBA MVP Arwind Santos (30.6 SPs) ng San Miguel Beer.

Nagtala ang 41-anyos at 6’9 na si Taulava ng mga averages na 14.9 points at 12.4 rebounds ngayong season.

Ang Best Import trophy ay pag-aagawan naman nina Arizona Reid ng Rain or Shine, Marqus Blakely ng San Mig Coffee, Henry Walker ng Alaska at Paul Harris ng Talk ‘N Text.

 

vuukle comment

ANG BEST IMPORT

ARIZONA REID

ARWIND SANTOS

ASI TAULAVA

BARANGAY GINEBRA

BEST PLAYER OF THE CONFERENCE

FAJARDO

N TEXT

PBA

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with