Siguradong magkakasakitan - Guiao
MANILA, Philippines - Sa kanilang best-of-five semifinals series ay ilang beses nagkagirian ang Rain or Shine at Alaska.
Ayon kay head coach Yeng Guiao, hindi maiiwasang magkasakitan paminsan-minsan sa laro ng basketball.
“Sometimes, it’s rough but it’s our natural way of playing the game. That’s how we practice and that’s how we put it in our heads,” sabi ni Guiao, ang first-term congressman ng First District ng Pampanga.
Tinapos ng Elasto Painters ang kanilang semifinals showdown ng Aces sa 3-2 kagaya ng ginawa ng nagdedepensang San Mig Coffee Mixers sa Talk ‘N Text Tropang Texters para itakda ang kanilang best-of-five championship duel para sa 2014 PBA Governors’ Cup.
Kaagad nilinis ni Guiao ang reputasyon ng Rain or Shine na kilala sa kanilang physical game para sa kanilang titular showdown ng San Mig Coffee.
“We’re not out there to hurt anybody, but if they hurt us, we try to defend ourselves,” ani Guiao. “That’s the natural way because the most basic right of a person is to defend yourself.”
Tinalo na ng Mixers ang Elasto Painters, 4-2, sa kanilang best-of-seven championship wars para sa korona ng 2014 PBA Phi-lippine Cup.
- Latest