^

PM Sports

NU nalo sa UP sa pagbibida ni Jaja

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binalikat ni Jaja Santia-go ang opensa ng National University para makaba-ngon mula sa pagkatalo sa first set tungo sa 18-25, 25-19, 25-22, 25-23 panalo sa UP sa pagbubukas ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Hindi na nakasama ng Lady Bulldogs ang mahusay at nakatatandang kapatid ni Jaja na si Dindin Santiago na nabigyan ang NU ng isang titulo at isang runner-up na magtatapos sa 2013 at 2014 First Conference.

Pero hindi naramdaman ang pagkawala ng 6’2” spiker dahil sa magandang laro ng 6’4” na si Jaja matapos paka-walan ang 21 puntos, kasama ang 18 kills.

Hindi solong nagtrabaho si Santiago dahil tatlong kasamahan ang naghatid ng double-digits habang ang setter na si Ivy Perez ay hindi lamang sinandalan sa pagse-set ng plays kungdi pati sa depensa para sa 1-0 karta sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Wala  namang naging problema ang Ateneo Lady Eagles sa pagdispatsa sa PNP Lady Responders sa pamamagitan ng 25-15, 25-12, 25-21, straight sets panalo sa ikalawang laro.

Si Alyssa Valdez ay may 18 kills tungo sa 19 puntos, si Julia Morado ay mayroong 36 excellent sets at si Dennise Lazaro ay may pitong digs para pagningningin ang unang panalo ng koponan ni Thai coach Anusorn Bundit sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

Sina Myla Pablo, Siemens Desiree Dadang at Jorelle Singh ay tumapos ng 14, 10 at 10 puntos.

 

vuukle comment

ANUSORN BUNDIT

ATENEO LADY EAGLES

DENNISE LAZARO

DINDIN SANTIAGO

FIRST CONFERENCE

IVY PEREZ

JAJA

JAJA SANTIA

JORELLE SINGH

JULIA MORADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with