^

PM Sports

Abueva sasalang sa FIBA 3x3

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Alaska Aces forward Calvin Abueva ang mga manlalaro ng PBA na huhugutin para isali sa opening leg ng FIBA 3x3 World Tour-Asia Pacific na gagawin sa Hulyo 19 at 20 sa Fashion Hall ng SM Megamall.

Sa pulong-pambalitaan na ginawa kahapon sa Atrium ng SM Megamall, binanggit ni SBP executive director Sonny Barrios si Abueva bilang top choice ng mga coaches na sina John Flores at Eric Altamirano para isama sa kompetisyon.

Apat na teams na ang puwedeng isali ng host country sa torneong katatampukan ng 12 teams na hahatiin sa apat na grupo.

“His team has already given permission for him to join kaya puwede na naming pangalanan si Calvin Abueva bilang isa sa PBA players na sasali. Ang iba pang players ay hindi pa puwedeng pangalanan dahil may mga teams  pa na naglalaro sa liga,” wika ni Barrios.

Ang Naga City Titans na nagkampeon sa National 3x3 Under 18 Championship, ay kasali rin habang binubuo pa ang koponan nina Kobe Paras, Thirdy Ra-vena, Alvin Tolentino at Prince Rivero na umabot ng FIBA World 3x3  noong nakaraang taon.

Nanguna sa pagpupulong si SBP President Manny V. Pangilinan habang lumipad mula Spain ang FIBA 3x3 Event Manager na si Ignacio Soriano.

Masaya si Soriano at ang  ikalawang FIBA 3x3 World Tour ay magbubukas sa Pilipinas dahil alam niya kung gaano kainit ang pagtangkilik ng mga Filipino sa basketball.

Nasasabik din siya dahil ito ang unang pagkakataon na gagawin ang laro sa isang Mall.

Sa panig ni Pangilinan,  naniniwala siya na magbibigay ng magandang laban ang mga ilalahok ng Pilipinas.

“Hindi ko alam ang chance  natin dahil hindi ko alam ang teams ng ibang bansa kung mahuhusay ba o malalakas. Sana ay manalo tayo,” wika ni Pangilinan.

Ang iba pang bansa na nagkumpirma ng pagsali ay ang Indonesia, Qatar, New Zealand, Chinese Taipei at Japan at ang mananalo ay papasok sa World Tour Finals na  nakakalendaryo mula Oktubre 11 at 12 sa Tokyo, Japan.

Dumalo rin sa pagtitipon ang iba pang SBP officials na sina Ricky Vargas at Al Panlilio habang sina Smart Sports head Chris Quimpo, TV5 Sports head Chot Reyes at SM AVP for Operations Christian Ian Mathay ay naroroon din. (AT)

AL PANLILIO

ALASKA ACES

ALVIN TOLENTINO

ANG NAGA CITY TITANS

CALVIN ABUEVA

CHINESE TAIPEI

CHOT REYES

CHRIS QUIMPO

ERIC ALTAMIRANO

PANGILINAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with