^

PM Sports

Kabayong Forbidden nakasilat sa pagrerenda ni Baldonido

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakabuti ang pagtakbo sa isang vicious race ng kabayong Forbidden Fruit matapos makasilat na nangyari noong Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Si RC Baldonido ang siyang pinagabay sa kabayo sa ikalawang sunod na takbo at napangalagaan ni Baldonido ang pagkakapuwesto sa balya na siyang ginamit ng kabayo para makuha ang panalo.

Bago ang karerang ito ay isinalang muna ang Forbidden Fruit sa vicious race  noong Hunyo 11 matapos ang ‘di magandang ipinakita noong Hunyo 1 sa pagdadala ni JE Apellido.

Ang paboritong Yes Beauty na dala ni Fernando Raquel Jr. ay pumangalawa sa datingan para magkaroon ng magandang dibidendo.

Umabot sa P47.00 ang win ng Forbidden Fruit habang ang 5-2 forecast ay may ipinamahagi na P158.50.

Nagpasikat din ang Renaissance Lady sa hanay ng mga tatlong taong gulang na mga kabayo habang napangatawanan ng kabayong Eurasian ang pagi-ging pinakaliyamado sa gabi nang kunin ang special handicap race.

Umabot sa 11 kabayo pero 10 lamang ang opisyal na bilang ang naglaban-laban sa 3YO MR B & C race na inilagay sa 1,000-metro at hindi na napigil ang Renaissance Lady nang kumawala ito sa pagpasok sa rekta.

Naiwang nagkukumahog sa ikalawang puwesto ang Sunsworld na tumakbo kasama ang coupled entry One Rockwell. Nadehado sa bentahan, ang win ng Renaissance Lady na sakay ng apprentice jockey AM Basilio ay nagpasok ng P30.50 habang P160.50 ang dibidendo sa 9-7 forecast.

Ang Par Excellence na siyang paborito sa karera ay tumawid sa ikaapat na puwesto lamang.

Nadehado sa bentahan, ang win ng Renaissance Lady na sakay ng apprentice jockey AM Basilio ay nagpasok ng P30.50 habang P160.50 ang dibidendo sa 9-7 forecast.

Si Jeff Zarate ang gumabay naman sa apat na taong filly na nakita ang lakas sa rematehan upang  daigin ang naunang lumayo na Queen Ramfire ni Rodeo Fernandez.

Umabot pa sa halos limang dipa ang lamang sa Queen Ramfire na paborito dahil galing sa panalo noong Hunyo 11.

Ngunit naglakad ang nangungunang kabayo habang humahataw sa likuran ang Eurasian para manalo pa ng mahigit na tatlong dipa sa 1,000-metro karera.

Outstanding favorite ang kabayong anak  ng deputy Bodman sa Euro Bucks na binigyan pa ng 57 kilos handicap weight para magkaroon lamang ng balik-taya sa win. Ang 4-5 forecast ay may P20.50 dibidendo.

 

vuukle comment

ANG PAR EXCELLENCE

BALDONIDO

BASILIO

EURO BUCKS

FERNANDO RAQUEL JR.

FORBIDDEN FRUIT

HUNYO

QUEEN RAMFIRE

RENAISSANCE LADY

UMABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with