^

PM Sports

Pagara brothers panalo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kumuha ng kambal na panalo ang magkapatid na sina Albert at Jason Pagara laban sa mga Mexican boxers sa idinaos na Pinoy Pride 26 noong Sabado sa Waterfront Cebu City Hotel.

Tinotohanan ni Pagara ang naunang pagbibiro na suntok sa baba kay Hugo Partida na nangyari sa weigh-in noong Biyernes na kanyang pinuntirya tungo sa first round TKO panalo.

Tatlong beses na humalik ng lona ang Mexicano at nagdesisyon si referee Bruce McTavish na itigil na ang laban sa 1:18 ng round matapos ang ikatlong knockdown mula sa matinding kaliwa ng 20-anyos na si Pagara.

Naunang nagkaroon ng asaran ang dalawang boksingero sa timbangan nang ilapit ni Partida ang mukha nito kay Pa-gara na gumanti nang ilagay ang kamao sa baba nito.

Ang panalo ay ika-21 sunod ni Pagara at ika-15th KO tagumpay para bitbitin din ang bakanteng IBF Inter-Continental super bantamweight title.

Naunang nagpasikat ay ang 25-anyos na si Jason nang kunin ang fourth round TKO panalo laban kay Mario Meraz para mapanatiling hawak ang WBO International light welterweight title.

 

BIYERNES

HUGO PARTIDA

INTER-CONTINENTAL

JASON PAGARA

KUMUHA

MARIO MERAZ

NAUNANG

PAGARA

PINOY PRIDE

WATERFRONT CEBU CITY HOTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with