Kevin Love papunta sa Golden State Warriors?
OAKLAND, Calif. -- Kung patungo na si KeÂvin Love sa Golden State, hindi naman ito sinasaÂbi ni Warriors’ General MaÂnager Bob Myers.
Nagkaroon ng paÂkiÂkipag-usap sa MinneÂsota Timberwolves tungkol kay Love, hindi sinabi ni Myers ang posibiliÂdad sa pagdadagdag sa three-time All-Star sa koÂponang nanalo ng 51 games noong nakaraang seaÂson.
Sinabi ni Myers na hinÂdi papasok ang Warriors sa anumang trade bago ang drafting.
“I will say if you asked me last year at this time would we be in a situation to grab an (Andre) Iguodala, I would have said the same thing,†wika ni Myers.
“I could get up from this (press conference) and five minutes later my phone rings and it’s a deal that I hadn’t thought of, and all of a sudden you’re going down that path. Right now it’s unlikely,†dagÂdag pa nito.
Naghahanap na ang TimÂberwolves ng bagong mukÂha para sa kanilang prangkisa dahil sa posibilidad na paggamit ni Love ng opsyon sa kanyang konÂtrata.
Inihayag ni Love ang kagustuhang makalipat ng ibang koponan matapos mabigo ang Minnesota na maÂkapasok sa playoffs sa anim na seasons.
Nakatanggap na si Flip Saunders, ang TimÂberÂwolves’ president at coach, ng ilang alok para kay Love mula sa Warriors at Boston Celtics.
Handang ibigay ng CelÂtics ang kanilang dalawang first-round picks.
- Latest