Bakbakang Alaska at Rain Or Shine
MANILA, Philippines - Hindi nagkamali si head coach Yeng Guiao nang magdesisyon siyang ibalik si 2012 Best Import Arizona Reid para sa kanilang kampanya sa 2014 PBA Governors’ Cup.
Sinabi ni Guiao na lahat ng bagay sa loob ng basketball court ay ginagawa ng 6-foot-4 na si Reid para manalo ang Elasto Painters.
“He may be one of the shortest imports, but we rely on his defense, rebounding and scoring,†wika ni Guiao kay Reid.
Isa ring team player na maituturing si Reid.
“He’s also passing the ball so it’s a good choice for us to bring him back. He’s a lot better this year. More mature, more consistent in shots, and bigger in his body,†dagdag ni Guiao.
Muling aasa ang Rain or Shine kay Reid sa pagsagupa sa Alaska sa Game One ng kanilang best-of-five semifinals series ngayong alas-8 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Kaagad dinispatsa ng No. 2 Elasto Painters at No. 3 Aces ang No. 7 Air21 Express, 111-90, at ang No. 6 Ginebra Gin Kings, 92-81, sa quarterfinals, ayon sa pagkakasunod.
Ito ang ikaapat na sunod na semifinals appearance ng Rain or Shine ni Guiao para makatapat sa semis series ang Alaska ni rookie mentor Alex Compton.
Bukod kay Reid, gagabay rin para sa Elasto Painters sina Jeff Chan, Paul Lee, Gabe Norwood, Beau Belga at Larry Rodriguez katapat sina import Henry Walker, Cyrus Baguio, JVee Casio, Sonny Thoss at Gabby Espinas ng Aces.
Inaasahang babawian ng Alaska ang Rain or Shine na lumampaso sa kanila, 72-123, sa elimination round.
Samantala, inamin ng Air21 na sila ang koponang kinakausap ng expansion team na NLEX para bumili ng prangkisa.
Ibinunyag ni Express’ team manager Lito Alvarez na pirma na lamang ang kulang para sa pormal na pagbebenta ng kanilang prangkisa sa NLEX ni Manny V. Pangilinan sa halagang humigit-kumulang sa P100 milyon.
Habang sinusulat ang balitang ito, nalalaban ang Talk ‘N Text San Mig Coffee sa Game 1 ng kanilang semis series.
- Latest