Inangkin ang kanilang pang-limang NBA title: Hindi na nagpaawat ang San Antonio
SAN ANTONIO — BiÂnura ng San Antonio Spurs ang isang 16-point deÂficit sa first period para balikan ang Miami Heat, 104-87, sa Game 5 at kuÂnin ang kanilang pang-liÂmang NBA championship.
Naipaghiganti rin ng Spurs ang maÂsakÂlap niÂlang kabiguan sa Heat noÂong nakaraang NBA FiÂnals.
Maliban dito ay ipiÂnagÂkait din ng Spurs sa Heat ang hangad nitong ikatÂlong sunod na korona.
“We wanted to redeem ourselves. I’m just glad we were able to do that,†saÂbi ni guard Tony Parker.
Humakot si Finals MVP Kawhi Leonard ng 22 points at 10 rebounds paÂra sa Spurs, nagkampeon noong 1999, 2003, 2005 at 2007.
Abot-kamay na nila ang pang-lima nilang titulo noong nakaraang taon kundi lamang nanalo ang Heat ng dalawang sunod.
“I’ve said many times, a day didn’t go by where I didn’t think about Game Six,†wika ni Spurs head coach Gregg Popovich sa nakaraang finals. “So I think, just in general, for the group to have the forÂtitude that they showed to get back to this spot, I think speaks volumes about how they’re constiÂtuted and what kind of fiber they have.â€
Tinapos ng San Antonio ang kanilang best-of-seÂven series ng Miami sa 4-1.
Nadiskaril 12 buwan na ang nakararaan ng MiaÂÂmi Heat, sapat lamang ang paghihintay nila para sa victory party.
“It makes last year OK,†sabi ni center Tim DunÂcan.
Sinamahan ni Duncan si John Salley bilang taÂnging mga players na naÂnalo ng NBA title sa tatÂlong dekada.
Tumipa ang Spurs ng malayang 28 percent sa first quarter kung saan sila iniwanan ng Heat ng 16 puntos bago rumesbak sa second quarter at agawin ang 47-40 abante sa halftime.
Umiskor sina Ginobili at Australian Patty Mills mula sa bench para kuÂmamada ng 19 at 17 points ayon sa pagkakasunod, para sa San Antonio.
- Latest