^

PM Sports

Swerte Lang nakawala sa Faithfully at Diana Beatrice

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naghatid ng suwerte ang kabayong Swerte Lang nang manalo sa nilahukang karera sa Metro Turf Club noong Biyernes sa Malvar, Batangas.

Si jockey JF Paroginog ang hinete ng nasabing kabayo na pi­nalad din na nasa balya sa rekta at naka­tulong ito pa­ra maisantabi ang malakas na pagdating ng mga naka­ribal na Faithfully at Diana Beatrice.

Isang Special Handicap Race sa distansyang 1,400-metro ang nabanggit na karera at may 10 ka­ba­yo ang nagsukatan.

Unang lumayo ang Grand Mighty sa pagdiskarte ni EL Blancaflor pero sa far turn ay nilamon ito ng tat­long naghahabol na kabayo.

Halos magkakasabay ang tulin ng Swerte Lang, Faithfully at Diana Beatrice dahil ginamitan na ng la­tigo ang mga ito pero maganda ang puwesto ng Swerte Lang para makuha ang panalo.

Halos kalahating dipa lamang na kinapos ang Faith­fully na sinakyan ni JA Guce at binigyan ng top weight na 58 kilos habang ang Diana Beatrice na sa­kay si KB Abobo, ang pumangatlo sa datingan.

Ikalawang takbo ito ng nanalong kabayo sa buwang ito at nakabawi ang tambalan mula sa pangalawang puwestong pagtatapos noong Hunyo 7 sa nasabing karera.

Nadehado ang Swer­te Lang sa bentahan pa­ra ma­kapaghatid ng P79.50 sa win, habang ang 3-6 forecast ay mayroong P633.50 dibidendo.

Sa nasabing karera pi­naglabanan din ang car­ry-over na P75,787.49 sa Super Six dahilan pa­­ra magkaroon pa ng P26,479.80 ang kumbi­nas­yong 3-6-9-7-5-10.

Magtatapos ang pista nga­yon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite at may 12 karera ang pag­lalabanan sa ha­pong ito.

 

vuukle comment

ABOBO

DIANA BEATRICE

GRAND MIGHTY

ISANG SPECIAL HANDICAP RACE

METRO TURF CLUB

SAN LAZARO LEISURE PARK

SHY

SUPER SIX

SWERTE LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with