Flying Spikers asam ang 3rd win sa pagsagupa sa Power Attackers
MANILA, Philippines - Patutunayan ng AirAsia na kaya nilang makipagÂsabayan sa mabibigat na koponang kalahok sa 2014 PLDT Home-Philippine SuperLiga (PSL) All-FiliÂpino Conference sa pag-asinta ng panalo laban sa PLDT Home TVolution Power Attackers ngayon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Dalawang sunod na talo sa Generika-Army at RC Cola-Air Force Raiders ang nalasap ng Flying SpiÂkers para masayang ang naunang dalawang panalo sa ligang inorganisa ng Sports Core at handog ng PLDT Home-DSL bukod sa suporta ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Medical.
Asahan na bibigyan sila ng magandang laban ng Power Attackers na kasalo ng AirAsia at pahingang GeÂnerika-Army sa ikatlong puwesto sa 2-2 karta.
Galing sa pagkatalo ang PLDT sa kamay ng RaiÂders pero dalawang linggo silang napahinga.
Ito rin ang kauna-unahang pagkikita muli ni daÂting Ateneo coach Roger Gorayeb at Ramil De Jesus at magdaÂragdag interes ang tagisan sa bench ng dalawang mahuhusay na coaches.
Nagtuos sina Gorayeb at De Jesus sa UAAP Finals noong 2012 at napagwagian ito ng Lady Archers.
Magbabaka-sakali naman ang Cagayan Valley Lady RiÂsing Suns na kunin ang ikalawang panalo maÂtapos ang limang laro sa pagharap sa walang panaÂlong Cignal HD Lady Spikers sa ikalawang laro sa women’s division sa alas-5, habang ang huling taÂgisan sa alas-7 ng gabi ay sa pagitan ng Cignal at IEM sa men’s division.
- Latest