^

PM Sports

San Miguel Beer diniskaril ang Air21 sa Top 4

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bumangon ang San Mi­guel Beermen mula sa dalawang sunod na ka­ma­lasan para gibain ang Air21, 101-88, sa 2014 PBA Governors’ Cup ka­gabi sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Pinigil ng Beermen ang hangad ng Express na ma­kamit ang ikalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals.

Ang Talk ‘N Text Tropang Texters ang unang pu­mitas sa ‘twice-to-beat’ bo­nus matapos talunin ang nagdedepensang San Mig Coffee Mixers, 92-88, noong Biyernes.

Ang mga pupuwesto sa Top Four ang mabibigyan ng nasabing insentibo laban sa uupo sa No. 5, 6, 7 at 8 spots.

Naglista ang San Mi­guel ng 48-32 bentahe sa 4:30 ng second period bago nakadikit ang Air21 sa 71-75 sa pagbubukas ng fourth quarter.

Kumayod ang Beermen ng isang 15-5 arang­ka­da, tampok dito ang da­lawang sunod na three-point shots nina import Reggie Williams at Chris Ross, para ibaon ang Express sa 90-75 sa 7:06 mi­nuto ng laro.

Muling nagtayo ang San Miguel Beer ng 16-point lead, 99-83, sa hu­­ling minuto ng labanan.

Tumapos si Williams na may 27 points para sa Beermen kasunod ang 20 ni June Mar Fajardo at 16 ni Mercado.

Sa unang laro, isinara ng sibak nang Meralco ang kanilang kampanya sa torneo mula sa 123-95 pa­nanaig sa talsik na ring Glo­balport.

“We just wanted to fi­nish on a high note,” sabi ni Bolts’ mentor Ryan Gre­gorio. “It’s been a frus­trating season for us but at least in the last six games we were 3 and 3 but not enough for us to make it to the next level.”

Umiskor si Gary David ng game-high na 33 points, kasama ang anim na three-point shots, para pa­munuan ang Meralco, ha­bang may 30 si import Ma­rio West.

Nagdagdag naman ng 19 mar­kers si Reynel Hug­na­tan kasunod ang 13 ni Cliff Hodge at 12 ni Jared Dillinger.

Binanderahan ni import Dior Lowhorn ang Ba­tang Pier sa kanyang 28 points, habang may 21 si Jay Washington at 10 si Alex Cabagnot.

Ito ang pang-walong su­nod na kamalasan ng Glo­balport. (RCadayona)

MERALCO 123 -- David 33, West 30, Hugnatan 19, Hodge13, Dillinger 12, Cort­ez 6, Guevarra 6, Ca­ram 2, Ballesteros 2, Wilson 0, Se­na 0.

Globalport 95 -- Lowhorn 28, Wa­shington 21, Ca­bagnot 10, Buenafe 6, Ma­capagal 6, Garcia 4, Ponferada 4, Acuña 4, Salvador 2, Romeo 2, Hayes 2, Lingganay 2, Yee 2, Menk 2.

 Quarterscores: 34-15; 57-49; 93-77; 123-95.

SAN MIGUEL BEER 101  --  Williams 27, Fajardo 20, Mercado 16, Ross 11, Santos 10, Kramer 9, Tubid 6, Chua 2, Lutz 0, Maierhofer 0, Lassiter 0.

Air21  88  --  Sutton 26, Taulava 18, Yeo 12, Ramos 12, Cardona 6, Poligrates 6, J. Villanueva 6, Borboran 2, Atkins 0, Anthony 0, R.Villanueva 0, Camson 0, Menor 0.

Quarterscores: 31-23: 51-45; 75-68; 101-88.

ALEX CABAGNOT

ALONTE SPORTS ARENA

ANG TALK

BEERMEN

CHRIS ROSS

CLIFF HODGE

SAN MI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with