^

PM Sports

Sa paglipat ng NBA Finals sa San Antonio: Serye pipiliting tapusin ng Spurs

Pang-masa

MIAMI – Sa kanilang ka­biguan sa Miami Heat sa NBA Finals noong na­karaang taon ay halos ma­paiyak si Tim Duncan habang nagkukuwento kung ga­ano kalapit ang San An­tonio Spurs na makuha ang ko­rona.

Hawak ang 3-1 kala­ma­ngan sa NBA Finals nga­­yong season at nagta­taglay ng ma­­ayos na field­goal shooting, mag­ba­balik ang Spurs sa San Antonio para sa tsansang wakasan ang serye at bawian ang Heat sa Linggo sa Game 5.

Inangkin ng Spurs ang ang huling dalawang laro sa Miami at may matinding shooting 54.2 percent shooting sa kanilang championship series.

Ang NBA Finals record para sa isang serye ay 52.7 percent.

Wala pang koponang na­kakabangon mula sa 1-3 pagkakabaon sa NBA Fi­nals.

Sinabi ni Duncan na ang masaklap na alaala sa ka­nilang kabiguan noong nakaraang season ay magbabalik bago ang araw ng Linggo.

“As I said, we know the caliber team they are, and we have a lot of res­pect for what they’re able to do,” wika ni Duncan. “They’re able to throw it ano­ther gear and they’re going to do just that. They don’t want this to be done.”

Maliban kay Duncan, muling sasandigan ng San Antonio sa Game 5 sina Tony Parker, Manu Ginobili at Kawhi Leonard.

Nagposte si Le­onard ng career-high na 29 points sa kanilang panalo sa Game 3 bago humakot ng 20 points at 14 rebounds sa Game 4 noong Hu­webes.

Maaasahan rin ng Spurs si veteran forward Bo­ris Diaw, hindi ka­sama sa starting lineup sa Game 1 at 2 ngunit hu­makot ng 8 points, 9 re­bounds at 9 assists sa Game 4.

Ang teamwork ang na­­ging panlaban ng San An­­tonio sa Miami, sumasandal kay LeBron James. sa ka­nilang serye.

“I just think we’re pla­ying Spurs basketball,” sa­­­bi ni Parker. “We’re just mo­ving the ball and we’re just playing the way we’ve been playing all season. We’d like to do a `good to great,’ the extra pass, and we preach that, and right now we’re clicking.”

Ang ikaapat na panalo noong nakaraang NBA Fi­nals ang hindi nakuha ng San Antonio.

“I mean, every closeout game is very difficult, for all the obvious rea­sons,” wika ni Spurs head coach Gregg Popovich.

AS I

DUNCAN

GAME

GREGG POPOVICH

KAWHI LEONARD

LINGGO

SAN AN

SAN ANTONIO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with