^

PM Sports

James walang nakuhang suporta mula sa kanyang mga teammates

Pang-masa

MIAMI -- May naki­tang sakit sa mukha ni Le­Bron James sa kanilang warmups at dalawang beses nilisan ang court para muling lagyan ng tape ang kanyang ankle at para sa isang bathroom break.

Nararamdaman niyang wala siya sa tamang kon­disyon.

At hindi rin nakaka­pagpaluwag ng kanyang pakiramdam ang kawalan ng suporta ng kanyang mga kakampi.

Sa kanilang kabiguan sa Game 4  ay nagtala si James ng 28 points.

Ito ay mula sa kanyang 10-for-17 fieldgoal shoo­ting, kasama ang 4-for-8 clip sa three-point range.

Hindi ito sapat para itabla ang Miami Heat sa ka­nilang championship se­ries ng San Antonio Spurs.

“The series is not over,” deklarasyon ni James. “We’ve got guys with too much pride to even start thinking about that.”

Wala pang koponan sa NBA Finals history ang nakabalik mula sa 1-3 de­ficit.

At alam ito ni James.

“We put ourselves in position where it is about making history,” wika ni James.

Naging balanse ang opensa ng Spurs kung sa­an walong players ang ka­agad umiskor sa first quarter, habang sa Heat ay wala silang player na nakatulong kay James.

 

vuukle comment

BRON JAMES

JAMES

KANYANG

MIAMI HEAT

NARARAMDAMAN

SAN ANTONIO SPURS

SHY

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with