Beda nakatuon sa ika-5 titulo
MANILA, Philippines - Sa pamamagitan ng depensa sasandal ang San Beda Red Lions para maisakatuparan ang paghahangad na ikalimang sunod na titulo sa NCAA na ang 90th season ay magbubukas na sa Hunyo 28 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Maliban kay Rome dela Rosa na natapos na ang playing year sa pinakamatandang collegiate league sa bansa, ang iba pang sinandalan ng Lions noong nanalo sa nakaraang season ay magbabalik para tulungan ang kampanya ng tropa ni coach Boyet Fernandez.
Si 6’8†Ola Adeogun ang magpapatatag pa rin sa center slot pero naririyan pa rin sina Arthur dela Cruz, Kyle Pascual at Anthony Semerad para pagtibayin ang puwersa ng koponan.
“San Beda has always been a team that gets eveÂrything done with defense. Our offense is our defense,†wika ni Fernandez na nasa ikalawang sunod na taon sa koponan.
Sumali ang San Beda sa Filoil Flying V at kahit natalo sila ng UAAP champion La Salle sa finals ay kontento si Fernandez sa ipinakita ng mga alipores.
Ang starting guard na si Baser Amer ay nakitaan ng kahandaan na pamunuan ang Lions matapos maghatid ng 16 puntos average kada laro sa pre-season.
Pero ang laro na ipinakita ni Semerad ang siyang nagpapatatag sa paniniwala ni Fernandez na matibay ang puwersa ng koponan para maitala ang kauna-unahang 5-peat sa San Beda sa seniors division.
Ang San Sebastian pa lamang ang nanalo ng limang sunod sa liga na naitala mula 1993-94 hanggang 1997-98 seasons.
Ang 6’4†na si Semerad ay nakitaan ng magandang shooting na siyang ibinibigay ni Dela Rosa.
“I think Anthony will fill the void left by Rome,†may kumpiyansang pahayag ni Fernandez.
Makikilatis ang pahaÂyag na ito ni Fernandez sa unang araw ng kompetisÂyon dahil kalaro ng Lions at host Jose Rizal University sa ganap na ika-1 ng hapon. (AT)
- Latest