^

PM Sports

Spoelstra ‘di nasorpresa sa pagiging coach ni Pacquiao

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasapawan ang kasikatan ng Fil-American head coach na si Erik Spoelstra ng two-time NBA champions Miami Heat, sa pagpasok ni Filipino world eight-division titlist Manny Pacquiao sa mundo ng professional basketball.

Bukod sa kilalang mahusay na boksingero, makikilala na rin ngayon si Pacquiao bilang head coach matapos siyang opisyal na ipakilala bilang mentor ng Kia Motors na papasok sa Philippine Basketball Association sa papasok na ika-40th seasin ng liga.

Hindi na nagulat si Spoelstra sa pagpasok ni Pacquiao sa mundo ng professional basketball dahil na rin sa pagkahilig ng Filipino world eight-division titlist sa basketball.

Ngunit walang pla-nong makipagkompetensiya si Spoelstra sa kasikatan ni Pacquiao. “Well, I’m not taking a boxing job,” wika ni Spoelstra, ang ina ay tubong San Pablo, Laguna. “But I know he’s a huge basketball fan, so it doesn’t surprise me.”

Sinabi ng 35-anyos na Sarangani Congressman na ‘time management’ lamang ang kanyang gagawin para pagsabay-sabayin ang kanyang mga trabaho bilang PBA coach, Sarangani Congressman at professional boxer.

Umaasa si Spoelstra na maiimbitahan niya si Pacquiao na panoorin ang ensayo ng Heat pagkatapos ng kasalukuyan nilang NBA Finals rematch ng San Antonio Spurs.

“I’ll hopefully be able to see him this summer, see what’s up,” wika ni Spoelstra, ilang beses nang nagdaos ng basketball clinic sa Pilipinas. “Maybe I’ll check out a practice.”

 

BUT I

ERIK SPOELSTRA

KIA MOTORS

MAYBE I

MIAMI HEAT

PACQUIAO

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

SARANGANI CONGRESSMAN

SPOELSTRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with