^

PM Sports

James, Heat bumawi

Pang-masa

SAN ANTONIO – Walang cramps at walang naging problema si Le-Bron James para maka-bawi ang Miami Heat sa pagkatalo, na lagi nilang nagagawa sa playoffs.

“Obviously, having No. 6 in the game at the end was a plus for us,” sabi ni Dwyane Wade.

Nagtala si James ng 35 points at 10 rebounds sa kanyang impresibong pagbabalik makaraang pulikatin sa finals opening game para hindi niya matapos ang laro, upang itabla ng Heat ang NBA Finals sa pamamagitan ng 98-96 panalo sa San Antonio Spurs sa Game 2 nitong Linggo ng gabi.

Nagtala si Chris Bosh ng go-ahead 3-pointer mula sa pasa ni James may 1:18 minuto na lang ang natitira para sa Heat, na nanalo ng 13 sunod makaraang matalo  sa postseason.

Tulad noong nakaraang taon, nakabawi sila matapos matalo sa Game 1 laban sa Spurs.

Si Bosh ay may 18 points para sa Heat, na uuwi na sa kanilang sa-riling balwarte para sa Game 3 nitong Martes.

Lumaro si James ng 37 minutes, sa kanyang naitalang 14-of-22 shots. Siya ay 1-for-4 na may 3-turnovers sa first quarter, ngunit nagpasok ng 11 sa sumunod na 13-tira.

Matapos tumanggap ng mga pagbatikos dahil hindi niya natapos ang Game 1 at mga payo para hindi na uli siya pulikatin, binago ni James ang tema ng usapan.

“What happened on Thursday was Thursday,” ani James. “My whole focus was how I was going to try to help this team even this up and just try to make some plays.”

Pinatahimik ni James ang mga bumatikos sa kanya.

Nagtala siya ng 11-points sa second quarter para tulungan ang Miami na burahin ang 11-point deficit sa kaagahan ng naturang yugto.

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

JAMES

LE-BRON JAMES

MIAMI HEAT

NAGTALA

PARA

SAN ANTONIO SPURS

SI BOSH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with