^

PM Sports

Corteza nakapasok sa Last 32 ng China Open

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanatiling palaban si Lee Van Corteza para sa po­sibleng ikalawang sunod na titulo sa China Open 9-ball Tournament nang malusutan niya ang group elimination na natapos noong Biyernes sa Pudong Yuanshen Stadium sa Shanghai, China.

Natalo kay Liu Haitao ng China sa winner’s bracket, 9-6, binawi ito ni Corteza sa pagpapatalsik sa kababayan ni Liu na si Dai Yong, 9-6, para alpasan ang Group H.

Tila napaganda pa kay Corteza ang pangunguna sa loser’s side dahil ang unang laro niya sa Last 32 knockout round ay si Khanh Hoang  Nguyen ng Vietnam.

Hinirang na kampeon si Corteza noong nakaraang taon nang talunin si Fu Che Wei ng Chinese-Taipei sa Finals.

Ang dalawa pang Filipino cue artists na sina Johann Chua at Jeffrey Ignacio ay nakaalpas din sa lo­ser’s side upang gawing  lima ang pambato ng bansa na nasa knockout phase.

Sinibak ni Chua si Jeremy Sossei ng US, 9-6, sa Group D, habang si Ignacio ay nanalo sa kababayang si Warren Kiamco, 9-7, sa Group C.

Ang mga umabante galing sa winner’s side na si­na world champion Dennis Orcollo at Carlo Biado ay kalaro sina Rodney Morris ng US at Phil Reilly ng Australia.

CARLO BIADO

CHINA OPEN

CORTEZA

DAI YONG

DENNIS ORCOLLO

FU CHE WEI

GROUP C

GROUP D

GROUP H

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with