^

PM Sports

Kabayong Crusis tangka ang unang stakes win

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagsisikapan ng mahusay na imported horse na Crucis na mahawakan ang kauna-unahang stakes win sa taong 2014 sa pagtakbo nito bukas sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Sa araw na ito itatakbo ang 3rd leg ng Imported-Local Challenge Race at sa 1,800-metro inilagay ang karera na itinataguyod ng Philippine Racing Commission (Philracom).

May tatlong karera na ang sinalihan ng Crucis na dinidiskartehan ni Jonathan Hernandez para sa horse owner na si da­ting Philracom commissioner Marlon Cunanan at naipakita ng kabayo ang kahandaan na makapagdomina uli nang pangunahan ang mga karerang sinalihan.

Limang imported hor­ses ang kukumpleto sa mga tatakbo at ang mga ito ay ang Classy And Swift, Excelsia, Oh Oh Seven, Pinespun at Strong Champion.

Ang Classy And Swift ang nagdomina sa first leg ng stakes race pero tinalo ito ng Tensile Strength sa ikalawang yugto.

Hindi sumali ang Tensile Strength dahil tumakbo ito sa PCSO Silver Cup noong Enero 1 at tumapos sa ikatlong puwesto sa karerang pinagharian ng Pugad Lawin.

Si Mark Alvarez ang siyang hinete ng Classy And Swift at tiyak na sisikapin ng tambalan na makuha ang panalo at biguin ang Crucis.

Hindi rin pahuhuli ang Strong Champion na dikit na natalo sa  Crucis  nang nagkita noong Mayo 18 sa nasabing race track.

Galing ang Pinespun at Oh Oh Seven sa panalo noong Mayo 22 at 27 sa ikatlong racing club sa bansa upang ipalagay na mga kondisyon din.

Tulad sa mga nagdaang Imported/Local Challenge races, nilagyan ito ng Philracom ng P500,000.00 premyo at ang mananalo ay mayroong P300,000.00 unang gantimapala.

Ang papangalawa ay mayroong P112,500.00 habang ang papangatlo at papang-apat ay mayroong P62,500.00 at P25,000.00 gantimapala.

May breeder’s prize na P15,000.00 ang isinahog sa tampok na karerang ito. (AT)

vuukle comment

ANG CLASSY AND SWIFT

CLASSY AND SWIFT

IMPORTED-LOCAL CHALLENGE RACE

JONATHAN HERNANDEZ

LOCAL CHALLENGE

OH OH SEVEN

PHILRACOM

STRONG CHAMPION

TENSILE STRENGTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with