^

PM Sports

May achievement pa rin si James

Pang-masa

SAN ANTONIO -- Bago pulikatin sa fourth quarter ng NBA Finals ay nakapagtala si LeBron James ng Miami Heat ng isa na namang career achievement.

Sa 5:03 minuto sa first quarter, binigyan ni James ng pasa ang kanyang co-star na si Dwyane Wade para sa jumper nito at kanyang unang assist sa laro.  Ang nasabing pasa ni James ang ika-1,000 niya sa kanyang playoff career na naghirang sa kanya bilang ikatlong player sa NBA postseason history na nakapagtala ng 4,000 points, 1,000 rebounds at 1,000 assists.

Ang dalawang nauna ay sina Michael Jordan at Kobe Bryant.

Nakamit ni James ang naturang karangalan sa kanyang pang-154 postseason appearance na hindi naman narating nina Jordan at Bryant.

Tinapos ni Jordan ang kanyang career na may 1,022 assists sa 179 games, samantalang si Bryant ay kasalukuyang may 1,040 assists sa 220 games. Para sa isang player na inuulan ng kritisismo dahil sa kabiguang kontrolin ang playoff games, ang nasabing career achievement ang nagpapakita sa pagdomina ni James sa bawat laro.

Sa 95-110 kabiguan ng Heat sa San Antonio Spurs sa Game 1 ng kanilang NBA finals rematch ay tumapos si James na may 25 points sa loob ng 33 minuto.

“It sucks not being out there for your team, especially at this point in the season,’’ wika ni James na iniupo sa bench matapos ang matinding pamumulikat sa huling apat na minuto ng fourth quarter kung saan angat ang Spurs ng 2 points.

Si James ang hinirang na Finals MVP noong nakaraang season nang pa-ngunahan ang Heat mula sa isang five-point deficit sa huling minuto ng regulation para pagwagian ang Game 6 sa overtime.

vuukle comment

BRYANT

DWYANE WADE

JAMES

KOBE BRYANT

MIAMI HEAT

MICHAEL JORDAN

NAKAMIT

SAN ANTONIO SPURS

SI JAMES

TINAPOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with