^

PM Sports

Hindi napigilan ang Specialist

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi napigil ang malakas na pagdating ng Specialist para pasiglahin ang mga dehadista sa unang karera noong Huwebes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sa class division 1-A na 1,400-metro distansya kumarera ang kabayong diniskartehan ni  EG Reyes at  nasa likod ito sa pitong kabayong dumating sa rekta.

Nasa unahan ang paborito sa siyam na naglaban na Olympus Queen ni Mark Alvarez ngunit naghintay lamang si Reyes para tuluyang bitawan ang Specialist.

Nakuha nito ang tiyempo sa huling 100-metro at dahil maluwag ang dinaanan kaya’t sa huling 25-metro ng karera ay una na ito at nanalo ng  kalahating kabayo sa Olympus Queen.

Ilang beses na nalagay ang limang taong colt na may lahing Thunder Gulch at Kirsten Doll sa pangalawang puwesto habang natapos ang magkasunod na panalo ng Olympus Queen.

Magandang buwena-mano ang panalo dahil naghatid ang win ng P75.50 habang ang forecast na 3-8 ay mayroong P68.00 dibidendo.

Samantala, magpapatuloy ang pista sa Santa Ana Park sa gabing ito sa paglalatag ng siyam na karera.

Makikilatis agad ang husay ng Rock Shadow na may dalawang dikit na panalo noong buwan ng Mayo sa pagtakbo nito sa 3YO Special Handicap Race na siyang unang karera sa gabi.

Si Val Dilema ang pasasakayin sa kabayo matapos ipanalo nina AR Villegas at Jonathan Hernandez sa mga huling takbo.

Ang Marinx na gagabayan ni Jessie Guce ang mangunguna sa magtatangka na manalo sa karerang nasa 1,300-metro para makabawi sa pangpitong pagtatapos noong Mayo 17.

Isa ring sisipatin sa hanay ng 3-year old ay ang King Bull na sasakyan ni Hernandez at kakarera sa 3YO Handicap Race 3.

 

 

ANG MARINX

HANDICAP RACE

JESSIE GUCE

JONATHAN HERNANDEZ

KING BULL

KIRSTEN DOLL

MARK ALVAREZ

OLYMPUS QUEEN

REYES

ROCK SHADOW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with