^

PM Sports

Durant, LeBron nanguna sa botohan ng All-NBA First Team

Pang-masa

NEW YORK -– Si Oklahoma City Thunder superstar Kevin Durant, ang 2013-14 Kia NBA Most Valuable Player at nanalo ng apat na scoring titles sa limang seasons, ang tampok na player sa 2013-14 All-NBA First Team.

Si Durant ang tanging unanimous selection, nailista sa lahat ng 125 ballots bilang First-Team pick, habang tumanggap naman si LeBron James ng Miami Heat ng 124 First-Team votes.

Makakasama nina Durant at James sa First Team sina Chris Paul ng Los Angeles Clippers, James Harden ng Houston Rockets at Joakim Noah ng Chicago Bulls.

Inangkin nina Harden at Noah ang First Team ho-nors sa unang pagkakataon sa kanilang NBA careers.

Si Paul ay isang All-NBA First Team selection sa ikaapat na pagkakataon, habang ito naman ang pang-lima ni Durant sa First Team, habang pang-walo naman ito ni James.

Nagtala si Durant ng mga averages na career-best  na 32.0 points, 7.4 rebounds at 5.5 assist.

Sa pag-angkin sa kanyang ikaapat na scoring title ay sinamahan ni Durant sina Jordan (10), Chamberlain (7), Gervin (4) at Allen Iverson (4) bilang tanging mga players na nanalo ng apat na scoring titles.

Tumipa siya ng .503 sa field, .391 sa three-point range at .873 sa free throw line, habang nanguna siya sa free throws made (703) at attempted (805).

Nagposte si Durant ng dalawang 50-point games, inungusan ang 40-point mark ng 14 beses at kumamada sa 17 games ng 30 points at 10 rebounds.

Tumipa naman si James ng career-high na 56.7 percent sa field ngayong season para sa pang-pitong sunod na season na umangat ang kanyang field goal percentage.

Kumonekta siya ng 116 three-point field goals, ang ikalawang sunod na season na nagsalpak siya ng 100 three-point field goals.

ALLEN IVERSON

CHICAGO BULLS

CHRIS PAUL

DURANT

FIRST

FIRST TEAM

FIRST-TEAM

HOUSTON ROCKETS

JAMES HARDEN

JOAKIM NOAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with